Labanan ng mga kampeon sa PBA | Bandera

Labanan ng mga kampeon sa PBA

Barry Pascua - August 28, 2013 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(SM MOA Arena)
5:15 p.m.   Petron Blaze vs. Air21
7:30 p.m. Alaska Milk vs. Rain or Shine
Team Standings: Barako Bull (2-1); Global Port  (2-1); Petron Blaze  (2-1); Rain Or Shine  (2-1); Talk N’ Text  (1-1); Barangay Ginebra (1-1); Air21   (1-2); Meralco  (1-2); SanMig Coffee (1-2); Alaska Milk  (0-1)

INAASAHANG magiging maigting ang duwelo ng mga kampeong  Rain Or Shine at Alaska Milk sa 2013 PBA Governors Cup mamayang alas-7:30 ng gabi  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na alas-5:15 ay tutuhugin ng Petron Blaze ang ikatlong sunod na panalo kontra Air21.  Kapwa galing sa talo ang Elasto Painters at Aces.

Matapos magwagi sa unang dalawang laro, ang defending champion Rain Or Shine ay binigo ng Petron Blaze, 99-84. Ang Aces, na naghahangad na maisubi ang ikalawang sunod na titulo matapos maghari sa Commissioner’s Cup ay natalo sa una nitong laro kontra Global Port, 91-88, noong Biyernes.

Umaasa si Rain Or Shine coach na si Yeng Guiao na manunumbalik ang dating buti ng mga Gilas Pilipinas members na sina Gabe Norwood at Jeff Chan.

Ang iba pang sinasandigan ni Guiao ay sina Beau Belga, Jervy Cruz at Chris Tiu.  Magiging klasiko ang banggaan nina 2011 Governors Cup Best Import Arizona Reid at baguhang Wendell McKiness na siyang bumabandera para sa Alaska.

Makakatuwang ni McKiness sina Cyrus Baguio, JayVee Casio, Sonny Thoss at Most Valuable Player statistical leader Calvin Abueva.

Matapos na matalo sa unang laro kontra Meralco, ang Petron Blaze, na ngayon ay hawak ni head coach Gee Abanilla, ay nagposte ng back-to-back wins laban sa Barangay Ginebra San Miguel (101-95) at Rain Or Shine.

Unti-unti ay lumalabas ang buti ni Elijah Millsap na sinasabing pinakamahusay sa sampung imports ng torneo. Siya’y sinusuportahan nina Alex Cabagnot, Arwind Santos, Chris Lutz, Marcio Lassiter at June Mar Fajardo.

Makakatapat ni Millsap ang scorer na si Zachary Graham na nasa ikalawang tour of duty sa PBA. Katuwang ni Graham sina Nino Canaleta, Mike Cortez, Mark Isip at Nelbert Omolon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending