USAP-USAPAN ngayon sa social media ang umano’y relasyon ng anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa baguhang artistang si Arabella del Rosario.
Ito’y matapos mag-post sa kani-kanilang social media account ang dalawa ng mga litrato na may nakakaintrigang caption.
Sa Twitter, ibinahagi ng panganay na anak ni Pacman ang dalawang litrato ni Arabella na isa sa mga new talents ng Star Magic. Nilagyan niya ito ng caption na, “Hi @arabelladelro.”
Ipinost din ng dalaga ang nasabing litrato na may mensaheng, “Hi cutie” with matching lovestruck emoji.
Bukod dito, sa isa pa niyang post sa Twitter, ibinahagi naman ni Arabella ang photo nila ni Jimuel na magka-holding hands habang nasa loob ng minamanehong sasakyan ng binata.
Makikita sa isa sa mga picture ang tangkang paghalik ni Jimuel sa kamay ni Arabella at may nakasulat na, “Hi @EmmanuelpacJr.”
Base sa mga reaksyon ng netizens, naniniwala sila na magdyowa na ang dalawa at malamang daw ay nagkakilala sila sa previous events ng ABS-CBN dahil pareho silang talent ng Star Magic.
Ang huling naging girlfriend ni Jimuel ay ang Kapamilya actress ding si Heaven Peralejo.
Aminado ang dalawa na hindi naging madali para sa kanila ang maghiwalay at magkanya-kanya na ng landas.
“It was really tough. The way we ended the first time. We got back. Kasi po parang may galit po kasi the first time and parang hindi po maayos yung pagka-break,” pahayag ni Jimuel sa isang panayam.
“The second time around, it was a peaceful breakup. Sometimes we have shows outside and wala naman kaming problema sa isa’t-isa,” aniya pa.
Sabi naman ni Heaven, “I think dahil maganda rin yung foundation namin. Dahil nag-start kami as friends.
“Mature kami enough, si Jim mature din enough. Na-accept namin na, maybe, hindi lang ito yung right time, and may mas maganda pang plano si Lord.”