John Prats pinuri sa pagdidirek ng ABS-CBN Christmas special: Isang panaginip na nagkatotoo... | Bandera

John Prats pinuri sa pagdidirek ng ABS-CBN Christmas special: Isang panaginip na nagkatotoo…

Reggee Bonoan - December 22, 2020 - 10:40 AM

BIDANG-BIDA si John Prats sa mga kapwa niya artista, netizens at mga bossing ng ABS-CBN dahil sa napakagandang pagkakadirek niya sa “Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special” na ginanap nitong Linggo, Dis. 20.

Ang nasabing Christmas special ay benefit show para sa mga biktima ng mga bagyong tumama sa bansa tulad ng Quinta, Rolly at Ulysses.

Base sa mga nagkuwento sa amin ay ang husay nga raw ni Praty (tawag kay John) sa nasabing event. “Ang galing ni John as director, huh!” sabi ni “TV Patrol” correspondent na si MJ Felipe nang makatsikahan namin bago magsimula ang nasabing Christmas special ng network.

Hindi lang naman ang lahat ang nagulat maging si John din mismo, pero alam niya, may gumabay sa kanya at labis niyang pinasalamatan ang Diyos.

Nag-post ang actor-producer-director sa Instagram account niya ng mga behind the scene (BTS) photos habang nasa director’s booth at nagdidirek kasama rin ang mga larawan ng buong staff and crew, mga boss ng ABS-CBN na sina Laurenti Dyogi at Cory Vidanes.

“Isang panaginip na nagkatotoo. Una sa lahat maraming salamat Lord God, alam ko po na kayo ang nag-gabay sa akin para magawa ko ang purpose ko,” caption ni John sa kanyang post.

Nabanggit ni John ang una niyang naging direktor sa TV series na “Berks” noong 2002-2004, “Manong Gilbert Perez, I know you guided me from heaven.”

Nagpasalamat din siya sa mga executives ng Kapamilya network, “Thank you sa mga boss ko na naniwala na kaya ko itawid napaka importanteng event na to para sa ating mga kapamilya. Isang karangalan po ito. Ma’am CVV, Sir Mark Lopez, Sir CLK, Sir Deo @montie08, @direklauren, Sir @luiandrada, @applesegubience, @gerromeesguerra, Mommy Jo, Ninang @winniem1218, Ate @olivezarate at sa buong Team ng ASAP na bumuo ng #abscbnchristmasspecial.

“Sa lahat ng cameramen na nag-gabay sakin, sa lahat ng Engineering, Ms. Tantan. Sa aking nga Assistant Director, salamat sa inyo. Sa mga choreographers, iba kayo! Sa lahat ng Kapamilya stars, nakaka-miss kayo makatrabaho, salamat dahil nagtiwala kayo sa akin.”

Habang nagdidirek si John ay nasa loob din ng booth si Direk Coco Martin na co-actor niya at direktor din ng aksyon seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“Siyempre, salamat sa aking nga kaibigan na naka-support sa akin, lalo ka na paps Coco!”

Siyempre ang buong staff and crew ay pinuri rin ni John, “Congratulations sa lahat ng bumuo nito mula sa likod na camera! Kayo ang tunay na mga star ng Christmas special. Grabe ang hardwork nyo! Saludo ako sa inyo.Thank you@john_lx sa napagandang ilawan natin! Maraming salamat din sa ating mga kapamilya na kahit na ano pa ang napagdaanan natin, andyan pa rin kayo.

“Lastly sa pamilya ko, Mom and Dad at sa mga kapatid ko. Salamat din sa asawa ko @isabeloliprats sa moral support, at sa mga anak ko, kayo ang inspirasyon ko at mahal na mahal ko kayo! Saya ng ride na to. Maraming salamat din sa lahat ng mga nag message sa akin bago ako magsimula. Tay @arnelnatividad , thank you for guiding me.Until our next show mga kapamilya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To God be the glory! Always!” mensahe pa ni John Prats.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending