Elha sa minalas na lovelife: Natutunan ko po, dapat kilatisin muna talaga at kilalanin ang tao

SA murang edad, na-experience na agad ng Kapamilya singing champion na si Elha Nympha ang mabigo sa pag-ibig.

At mukhang malalim ang kanyang hugot sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend na si Brian Gazmen na osa ring singer-actor.

Pero ipinagdiinan ni Elha na maayos na ang lagay ng kanyang puso ngayon pero aniya mas magiging wais at maingat na siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Super happy po. Okay na okay po ako,” ang paulit-ulit na sabi ni Elha nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

Aniya, magsisilbing aral para sa kanya ang breakup nila ni Brian, “Natutunan ko po na dapat po kilatisin muna talaga at kilalanin ang tao.

“At saka maging open kayo sa kung ano po ang sinasabi ng family mo about sa kanya,” chika ni Elha.

Pero ano nga ba ang tunay na rason ng kanilang breakup? “Wala na po akong sasabihin na iba pa, pero hindi po ako ang reason bakit po kami naghiwalay.”

Kung matatandaan, unang umamin si Brian na hiwalay na sila ni Elha, “So a lot of people are asking, ‘break na ba kayo?’ I just have one answer. It is sad to say po na break na po kami ni Elha Nympha.”

“Masyado pong mahaba ‘yung istorya ng pag-break namin. Hindi po kakayanin ng isang TikTok video pero ‘yun po ang totoo,” sabi pa ng binata.

Kasunod nito, nag-post naman si Elha sa Instagram Stories ng, “Ay sad ka pala hahahaha. Wag po tayong pa victim. Pwede ako magsabi ng totoo. Still using me pa rin? May pahabol. Dami likes and shares. Na ol na lang. The audacity.”

Nito lang nagdaang August kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon pero makalipas lang ang ilang buwan ay naghiwalay din agad.

Read more...