#SanaAll: Christmas gift ni Doug Kramer kay Chesca Garcia…brand new car

NAPA-HASHTAG #SanaAll na naman ang mga misis nang makita ang bonggang early Christmas gift ni Doug Kramer para sa kanyang asawang si Chesca Garcia.

Sino ba naman ang hindi maiinggit at mapapa-wow sa regalo ng dating basketball player sa kanyang asawa — ikaw na ang bigyan ng brand new car, di ba?

Ayon kay Doug, may hugot ang pagbibigay niya ng bagong sasakyan kay Chesca. Inalala ng cager ang araw na kinailangan nilang ibenta ang favorite car ng asawa para sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

“I know there are more important matters to you. But there are some things I don’t forget,” bahagi ng caption ni Doug sa litrato nila ni Chesca sa Instagram kung saan makikita sa background ang bagong sasakyan with matching ribbon pa.

“I still remember the day we had to sell your favorite car to meet our needs. We never fought about money, you never complained either. I just lost some hair, but that’s ok! Our joy is always fixed on Him!”

“Merry Christmas sweetheart! I love you! PS. What’s yours is mine, so I get to use it too! Hahaha!” mensahe pa niya kay Chesca.

Ikinasal ang celebrity couple noong Oct. 9, 2008 sa Blue Leaf Events Place in McKinley Hill, Taguig City. Sa loob ng 12 taong pagsasama biniyayaan sila ng tatlong anak, sina Kendra, 11, Scarlett, 9, at Gavin, 7.

Sa isang IG post, ibinahagi ni Doug ang isang sikreto sa masayang pagsasama nila ni Chesca, “Work through your troubles and misunderstandings…never let a day pass when you argue and fight.

“Sixteen years together and we have never let an argument last more than a day.

“Take down your pride. Say sorry first. Admit your own faults rather than pointing fingers. Work on what you need to do rather than trying to change your partner’s attitude. Remember, love is more than an emotion. It’s always a choice,” aniya pa.

Read more...