Sarah, Matteo nagdesisyong mag-rent muna ng bahay; nag-iipon para sa dream house

MAS feel ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na may outdoor setup o malawak na garden sa kanilang bahay.

Ayon sa Popstar Royalty, sa ngayon ay nagre-rent sila ni Matteo ng four-bedroom house at kalilipat lang nila roon nitong nagdaang October.

Sa chikahan nila ni Vicki Belo na mapapanood sa latest vlog nito, nagkuwento si Sarah tungkol sa pagsasama nila ni Matteo bilang mag-asawa.

Sa unang bahagi ng vlog, nagpakitang-gilas ang pop superstar sa pagbe-bake ng banana bread. At habang ginagawa nga niya ang tinapay, nabanggit ng singer-actress ang magagandang qualities ng kanyang mister.

“Matt has always been very sweet. And ano ‘yan, thoughtful. Tsaka clingy nga po, totoo. Sa lahat ng mga kasama niya, very trusting siya. Tapos na-i-endear agad siya lahat. Tapos ‘yung gusto niya kasama niya palagi, ganu’n,” sey ni Mrs. Guidicelli.

Natanong din si Sarah kung sino ang mas mature sa kanila ni Matteo pagdating sa kanilang married life. Aniya, nagkakaiba rin sila ng pananaw ni mister pagdating sa nasabing usapin.

“’Yung maturity naman magkaiba, eh. Merong mga bagay na mature siya, ako immature. Tapos feeling ko mas mature ako sa bagay na ‘to tapos siya malapit na,” chika ni Sarah.

Samantala, nai-share rin niya sa madlang pipol ang paglipat nila ni Matteo sa nirerentahang four-bedroom house.

“Nag-move kami October lang. Mas mentally healthy for us na may outdoor talaga, may garden, ayun po. And rent lang po muna kami. And cheaper po ‘yung rent namin so mas magaan,” paliwanag ng misis ni Matteo

May pa-trivia naman si Vicki Belo tungkol sa mag-asawa, “Alam mo, itong dalawang ito, sobrang newlywed ang dating. Tipid!

“Tuwing shopping, lagi ito (Sarah), lahat ng presyo tinitignan. ‘Ay, ang mahal!’ Kasi akala n’yo superstar? Hindi siya superstar (kung gumastos).”

Hirit naman ni Sarah, “Super kuripot.” Na kinorek naman ni Belo ng, “Careful lang.”

Aniya pa, “To be fair, di ba? When I was with you, aliw-aliw ako kasi you really are a young married couple. Tapos when I talk to Matteo, lagi niyang ikinukuwento, ‘Dream namin magkaroon ng bahay, kailangan namin mag-save.'”

Sa tanong kung anong klaseng panunuyo o paglalambing ang gusto niyang gawin ni Matteo sa kanya, sey ni Sarah, “Eh ako words po talaga. ‘Mahal mo ba ako?’ Mga ganu’n. Or mga pa-cute. Ewan ko ba sa babae, parang mga timang.”

Read more...