Telcos itotodo ang gastos para sa network upgrade sa 2021

Sa susunod na taong 2021 inaasahang kapwa puspusan ang magiging pagsisikap ng Smart at Globe para sa pag-upgrade ng kani-kanilang mga pasilidad.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), kapwa naglaan ng mataas na capital expenditures ang dalawang kumpanya para sa taong 2021.

Naglaan ang Globe ng P90 bilyon na capital expenditure habang P92 billion naman ang alokasyon ng Smart, wika ng NTC.

Ito na ang pinakamataas na annual capital expenditure ng dalawang kumpanya sa nakalipas na 6 na taon.

Sinabi ng NTC na simula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mabilis na proseso para sa pag-iisyu ng permit sa pagtatayo ng cell site tumaas din ang bilang ng naitayong tower.

Simula July 2020 ayon sa NTC, ang average monthly increase sa construction permits na nai-isyu para sa Globe ay umabot sa halos 600% at ang Smart naman ay halos 200%.

Sa taong 2021, sinabi ng NTC na inaasahan ang magiging full blast ang upgrade ng dalawang kumpanya.

“The network build-up of both Globe and Smart are expected to go on full gear in 2021 as third telco player, DITO, plans to go head on with the incumbents fulfilling its commitment of spending P150 billion this year for its infrastructure roll-out,” ayon sa Globe.

Una nang sinabi ng Globe na target nitong nakapagbigay ng first-world internet sa bawat Filipino.

“The telco reported deploying 1,300 new cell sites and upgrading over 10,800 sites to Fourth Generation/long-term evolution (4G/LTE) this year. It has also deployed 708 5G sites in Metro Manila, as well as certain cities in Mindanao,” ayon pa sa NTC.

Target naman ng Smart na maliban sa local competition ay makipagsabayan din sa bansang Thailand at Vietnam.

Ang fiber infrastructure ng PLDT ay maituturing na “most extensive” sa bansa na umabot na sa mahigit 422,000 kilometers ang haba.

Sakop na nito ang 96 percent ng populasyon at 95 percent ng mga lungsod at munisipal cities and municipalities.

Naitaas din ng Smart ang bilang ng base stations nito sa hanggang 58,000 ngayong taon. Mas mataas ito ng 20 percent kumpara noong 2019.

Samantala ayon sa NTC, itataas din ng Fiber internet company na Converge ang kanilang capital expenditure mula sa P19 billion hanggang sa P23 billion sa susunod na taon.

Read more...