Hashtag Nikko biktima ng identity theft sa dating app: Sisira ka ng pamilya hinayupak ka! | Bandera

Hashtag Nikko biktima ng identity theft sa dating app: Sisira ka ng pamilya hinayupak ka!

Ervin Santiago |December 18,2020
facebook
share this

Hashtag Nikko biktima ng identity theft sa dating app: Sisira ka ng pamilya hinayupak ka!

Ervin Santiago - December 18, 2020 - 12:54 PM

NABIKTIMA ng “identity theft” ang Kapamilya actor-TV host na si Nikko Natividad.

Nakarating sa member ng grupong Hashtags ang balita na may gumagamit ng pangalan at mga litrato niya sa isang mobile dating app na Tinder.

Ayon kay Nikko, wala siyang account sa nasabing dating app kaya huwag daw maniniwala ang mga gumagamit nito na siya ang naghahanap ng babaeng makaka-date through online.

Ipinost pa ni Nikko sa Twitter ang screenshot ng kanyang larawan na naka-post sa Tinder at in fairness, mukhang legit talaga ang account dahil verified pa ito.
Pahayag ng aktor sa taong nagnakaw ng kanyang identity, “KUNG SINU KA MAN HAYUP KA!! AT NAKA VERIFIED KAPA!!”

Diin pa ni Nikko, fake account ang nakikitang pangalan at photo niya sa Tinder app, “Wala po akong Tinder!! Muntik nakong palayasin ni @cielo_0227 sa bahay!!

“Sisira ka ng pamilya hinayupak ka!! Inuulit ko wala po akong TINDER!! GRINDER po ang gamit ko,” ang galit na galit pang sabi ng aktor sa taong nasa likod ng pekeng account.

* * *

Bibida sa isang madamdaming istorya ng wagas na pagmamahalan si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza para sa special Christmas presentation at all-new episode ng “Magpakailanman” o #MPK ngayong Sabado.

Tutukan ang nakakaantig sa puso na kuwento ni Bing (Robert Seña), isang ama na pinatunayan sa kanyang mag-ina ang walang hanggang pagmamahal niya.

Larawan ng isang masayang pamilya sina Bing, ang maybahay niyang si Joji (Isay Alvarez), at ang kanilang anak na si Aly (Barbie). Subalit isang malaking dagok ang kanilang kahaharapin nang magkasakit si Bing at tuluyan nang mawala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman laking gulat na lang ni Aly nang makatanggap siya ng sulat mula sa kaniyang pumanaw na ama.

Mula sa direksyon ni Jorron Monroy, tunghayan ang isang kuwento ng pag-ibig na kayang tawirin maski kamatayan sa “My Ever-Lasting Love: The Joji and Alyssa Mendoza Story” bukas, 8:15 p.m. sa #MPK.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending