Kilalang aktres buntis sa dyowang award-winning actor

TRULILI kaya na nasa interesting stage ngayon ang kilala at magaling na character actress?

Wala namang magiging problema kung sakaling buntis nga ang aktres dahil sa pagkakaalam namin ay milyonarya na siya dahil malaki ang mamanahin niya?

Hindi lang kami sigurado kung naibigay na o hindi pa ang mana niya mula sa magulang. Pero sigurado kami na milyones ang pinag-uusapan dito.

Anyway, tsika mismo ng isang direktor sa aming kaibigan na buntis nga raw ang kilalang character actress na may ginagawang indie film ngayon.

Ito ang dahilan kaya gusto na niyang matapos agad ang nasabing proyekto dahil any moment ay lalaki na ang tummy niya.

Tsinek namin ang social media account ng kilalang character actress at wala naman kaming nakitang kakaiba.

Maliban lang sa larawang medyo takip ang kanyang tiyan at nilagyan niya ng caption na siguro mga kakilala at kaibigan niya ang makaka-gets ng ibig sabihin.

At dahil nga ikinuwento sa amin ang kalagayan niya ngayon kaya na-gets namin agad ang caption niya.

Ang boyfriend ngayon ng kilalang character actress ay isa ring premyadong aktor at mukhang sila talaga ang para sa isa’t isa.

Nagkahiwalay na kasi sila noon at nagkabalikan nga pero hindi pa nila ito inaanunsyo sa publiko. Inamin lang nila ang relasyon sa selected friends at mga pamilya nila.

Kapag nagkataon, ikalawang anak na ito ng kilalang character actress. At sana nga, magtagal na ang relasyon nila ng aktor at mauwi na rin sa kasalan ang kanilang pagsasama.

Read more...