Kilalang aktor nagalit nang kunan ng litrato at video sa loob ng resto

AWARE kaya ang production na lumabas ang bidang aktor sa kanilang lock-in taping para makipag-dinner sa kilalang movie producer sa isang sosyal na restaurant sa Makati City?

Kuwento sa amin ng mga nakakita, yes maraming nakakita sa aktor na kausap ang kilalang movie producer sa mamahaling restaurant at dahil kilala nga siya kaya maraming gustong magpa-picture sa kanya at kinunan pa siya ng video.

Nagulat ang mga tao sa restaurant dahil nag-dialogue ang aktor ng, “Can you stop taking videos?”

Maging ang movie producer na kausap ni aktor ay natigilan sa inasal ng kausap na halatang irita na.

Narinig ng aming source na tinanong ng movie producer si aktor kung bakit ganu’n ang reaksyon niya sa mga kumukuha ng videos. Hindi ba siya natutuwa na kinukunan siya at maraming gustong magpa-picture sa kanya.

Doon nalaman ng movie producer na nasa lock-in taping pala ang aktor at umalis lang sandali pala i-meet siya dahil nga interesado sa project na iniaalok sa kanya.

Dalawang oras lang nagtagal ang pag-uusap at dinner ng movie producer at aktor dahil nga nagmamadaling umalis na rin ang huli.

At totoo nga ang kasabihang first impression lasts, dahil sa ipinakitang ugali ng aktor sa movie producer ay hindi na siya isinali sa movie project na sisimulan na sa Pebrero, 2021.

Dagdag pa ng aming source, “Actually may attitude talaga ‘yang si ____ (aktor) maski noong wala pang pandemic, lagi ‘yang nagpupunta sa (sikat na lugar sa Makati), ayaw niya ng kinukunan siya o may nagpapa-picture sa kanya. Sumesenyas siya kapag may nag-a-attempt.”

Nagulat naman kami dahil kapag may presscon si aktor ay talagang all smile siya lagi kapag may mga nagpapa-picture na bloggers at entertainment press.

Hmmm, ganu’n pala ugalit ni aktor kapag off-camera, huh!

Read more...