Vilma kay Jessy: Nakita ko minahal niya talaga si Lucky, mahal niya ang anak ko

KUNG may isang taong tunay na maligaya para sa engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, yan ay walang iba kundi ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Ngayon pa lang ay super excited na ang actress-politician sa kasal ng panganay na anak at ni Jessy na magaganap na raw anytime next year, 2021.

Ayon kay Ate Vi, kitang-kita niya ang kaligayahan sa mukha ni Jessy nang mag-propose na sa dalaga si Luis. Doon niya mas napatunayan kung gaano talaga kamahal ng aktres ang kanyang anak.

Kuwento pa ng kongresista at award-winning actress, personal pang ipinakita ni Jessy sa kanya ang engagement ring na ibinigay ni Luis nang yayain na siya nitong magpakasal.

“They sent me a picture na tinuturo ni Lucky ‘yung ring na suot suot ni Jess tapos hindi ko pa napansin nong una, tapos ano ‘yun? And then pumunta sila dito sa bahay at pinakita ni Jess ‘yung ring,” pahayag ni Ate Vi sa panayam ng ABS-CBN.

Sey pa ng movie icon nang tanungin kung ano ang gustung-gusto niyang quality ng kanyang future daughter-in-law, “Nakita ko ‘yung minahal niya talaga si Lucky. Mahal niya ang anak ko.”

Hanga rin daw siya sa pagiging makapamilya ng fiancée ni Luis, at bukod sa madasalin bilib din si Ate Vi sa tapang ng dalaga dahil nakakayanan nito ang lahat ng mga intriga at pamba-bash sa kanya.

“Isang ina-appreciate ko sa kanya, she is a very prayerful person. Nagro-rosary yan everyday at nagkataon din na nalaman ko na malapit din siya sa family,” papuri niya kay Jessy.

“Matagal ko na rin hinintay (engagement), lagi kong sinasabi noon kay Lucky you are not getting any younger, gusto ko ma-enjoy din niya yung family life,” chika ng aktres.

Ibinandera nina Jessy at Luis ang kanilang engagement nitong nagdaang Dec. 12. Naganap ang proposal noon pang October pero ngayon lang nila ito isinapubliko.

Ang kumalat na engagement photos ng dalawa sa social media kung saan talagang bihis na bihis sila ay kuha sa Amanpulo at hindi raw ito ang actual engagement day.

Ayon kay Luis, nagtungo sila sa Amanpulo para doon mag-pictorial bilang engaged couple. Hindi pa raw ito ang kanilang prenup shoot.

Read more...