Jennylyn, Heart, Carla lalaban sa 2020 Face of the Year Awards sa Vietnam; JD, Cassy magpapakilig na sa ‘First Yaya’

MAKIKIPAGLABAN sina Carla Abellana, Heart Evangelista at Jennylyn Mercado sa 2020 Face of the Year Awards sa Vietnam.

Nominado ang tatlong Kapuso stars sa Most Favorite Foreign Actress category para sa pinagbidahan nilang mga teleserye na umere sa GMA 7.

Kasabay nito, makikipagbakbakan din sa Face of the Year Awards ang top-rating romantic comedy programs na “Because of You”, “Juan Happy Love Story” at ang GMA adaptation ng hit Korean drama na “My Love From the Star” para naman sa Most Favorite Foreign Drama award.

Nominado naman sina Rafael Rosell, Dennis Trillo at Gil Cuerva para sa kategoryang Most Favorite Foreign Actor.

Ang Face of the Year ay inorganisa ng Vietnam-based firm na International Media JS Company (IMC) at kinokonsiderang pinakamalaking event ng IMC sa buong taon.

                          * * *

Hindi pa man nagsisimulang sumabak sa eksena, nararamdaman na ng Kapuso actor na si JD Domagoso na magiging kumportable siya na makatambal si Cassy Legaspi sa upcoming GMA primetime series na “First Yaya.”

First time silang magkakapareha on-screen pero matagal naman na raw silang magkaibigan.

Ayon kay JD, “May konting hiya rin naman lagi pero sa akin, we’re okay na eh, parang close na kami.

“I don’t think it’s going to be a problem because friendly na kami ni Cassy and once we realize na for our characters lang ito, tingin ko naman hindi ito magiging problem for us.”

Dagdag pa niya, naghahanda na siya para sa lock-in taping sa darating na January, “Reading the script, of course, there’s a material na gusto ni Direk na panoorin ko para may basis po ako sa anong pwede kong gawin for my character.”

Nakatakdang umere ang “First Yaya” next year sa GMA.

Read more...