Kilalang aktres tumanggi sa bonggang offer ng bigating talent manager, bakit kaya?

WALANG nagawa ang sikat na talent manager nang tanggihan ng kilalang character actress ang alok niyang kontrata sa kanyang talent management.

Kung ang ibang artista kapag inalok ng sikat na talent manager para i-manage sila ay agad pumapayag, wala nang tanong-tanong at pagdadalawang-isip.

Alam kasi nilang maaalagaan ang kanilang showbiz career dahil bukod sa magaling nang dumiskarte ang manager ay napakalawak pa ng kuneksyon nito.

Tiyak na marami silang magiging projects sa pelikula, teleserye at product endorsements.

Sa unang pagkakataon ay nagulat ang sikat na talent manager dahil ngayon lang daw siya tinanggihan at sa katunayan ay siya ang tumatanggi pag hindi niya feel ang gustong magpa-manage sa kanya.

Oo nga naman, pawang kilalang personalidad ang mina-manage ng sikat na talent manager at kaliwa’t kanan ang exposures ng mga ito.

Bukod sa kanilang TV projects, may mga produkto ring ineendorso ang bawa’t isa. Pansin nga namin sila na nga lang yata ang laman ng telebisyon ngayon dahil sa kanilang mga TV commercial.

Anyway, pilit tinatanong ng sikat na talent manager kung bakit ayaw ng character actress na magpa-manage, personal daw ang rason at baka raw mag-lie low siya sa showbiz.

As of now, hindi gaanong tumatanggap muna ng project ang character actress dahil nga may inaasikaso siya ngayon sa kanyang personal life.

Duda namin, gusto na kasing mag-asawa ng character actress dahil nagkakaedad na siya at ayaw naman niyang tumandang mag-isa.

Read more...