TRENDING sa Instagram account ni Angel Locsin ang ipinost niyang clapper na ginamit sa pelikulang “Four Sisters Before The Wedding”.
Ang sequence ay ang eksena niya bilang si Alex Salazar, ang ikatlo sa limang magkakapatid na ginampanan nina Toni Gonzaga, Bea Alonso, Shaina Magdayao at Enchong Dee sa pelikulang “Four Sisters And A Wedding” na idinirek ni Cathy Garcia Molina.
Sa prequel nitong “Four Sisters Before The Wedding” sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, ang youngstar na si Gillian Vicencio ang gumanap na batang Alex.
Memorable talaga ang eksenang sinabunutan ni Angel si Mocha Uson na may special appearance noon sa part 1 ng movie kaya sa ikalawang part nito ay marami ang nagsabing sana ay may ganu’n ding eksena.
Sabi ni @kahlilpancho, “Masasabunutan ninyo po ba ulit si Mocha? Sana po hehe. Pakituloy na din po ‘yung titirahin niyo dapat siya hihi!”
Sabi ni @jezonne, “Paki drag po ulit si Mocha.”
“The kaladkad scene is dabest,” sabi naman ni @ennaira_carissa.
Sabi naman ni Direk Easy Ferrer, “My favorite Salazar Girl.”
Ang dami namang humihiling na gawan naman daw ng sequel ang movie at gawin na itong “Four Sisters After The Wedding”.
Hmnm, puwede pa kaya, e, wala na sa ABS-CBN si Bea Alonzo? Sabagay free lancer naman siya, sana lang tanggapin niya kung sakaling maisipang magkaroon ng part 3 ang iconic film na ito.
Bagama’t may kanya-kanyang magagandang eksena ang apat na magkakapatid, ang kay Angel ang memorable sa lahat.
Sabi ni @yeonwon05, “Already watched!! Your beauty. Walang kupas! and the one who played little Alex shined too!”
Ang wish ni @lorenz_sapx, “I already watched it nu’ng Sunday sana lumawak pa ang 4sisters cinematic universe.”
Samantala, bago matapos ang “Four Sisters Before The Wedding” ay ipinakita kung ano na ang kasalukuyang buhay ngayon ng magkakapatid kaya may guest appearance rin sina Toni, Shaina, Bea, Enchong at Angel.
Kaya ang sabi ni @yz_tms, “Ang blacksheep na minahal ng buong bayan! Hi there, Direk Alex @therealangellocsin! btw. Ang saya pong mapanood ulit kayong umaarte!! Panalo!”
Maiba kami, wala bang balak si Angel na gawing makatotohanan ang karakter niya sa pelikula bilang direktor?
Dahil sure kami na baka sinasanay na rin siya ng fiancé niyang si Direk Neil Arce na direktor ng weekly show ng aktres na “Iba ‘Yan” na napapanood tuwing Linggo, 6:30 p.m. sa Kapamilya network.