Rabiya Mateo umalma sa bashers mula sa Indonesia: This needs to stop, walang dapat ma-bully

“FOUL!” “Fake!” “Unfair!” Yan ang sigaw ng fans and social media supporters ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos kumalat ang isang video na naging dahilan ng pambu-bully ngayon sa dalaga.

Umalma kasi si Rabiya sa isang edited video kung saan nilagyan ng malisya ang ginawa niyang pasampol nang sabihing pangarap din niya ang maging artista kapag nabigyan ng chance.

Sa nasabing video clip, iniinterbyu ang dalaga ng ilang pageant vloggers para sa Critical Beauty Salon YouTube channel. Dito nabanggit nga niya na nais din niyang subukan ang pag-aartista.

Hiningan siya ng vloggers ng pasampol sa pag-arte kung saan ang ibinigay na eksena ay nanalo siyang Miss Universe pero kumontra ang First Runner-up.

Game na game namang umakting si Rabiya na akala mo’y nasa totoong shooting talaga. Nag-dialogue pa nga siya ng, “I’m a Filipina, so don’t mess with me!”

Okay lang sana kung lumabas nang buo ang viral video pero putul-putol na ito at inedit na kaya naman marami ang nangnega kay Rabiya kabilang na ang mga taga-Indonesia.

Matindi na ang ginagawang pamba-bash sa talaga dahil sa nasabing video kaya nag-post agad siya sa Instagram ng mahabang mensahe at nilinaw ang issue.

“This needs to stop. This video was cut, and some people are making issues out of this and trying to bully me on IG.

“In the first part of the video, which was not included here, we talked about the fact that if I’m gonna accept any role in the future, I wanted to be an antagonist because I really wanna challenge myself.

“The hosts gave me a situation, and I had a disclaimer that this is just a role — before and after this video — which was also cut,” lahad ng beauty queen.

Diin pa niya, never siyang nanira o nang-apak ng kapwa kandidata sa kahit anong paraan, “I have never done anything to discredit or insult other candidates, but putting words in my mouth and creating problems out of nothing is just toxic and it has to stop.

“No one should be bullied (even public figures) because that is unkind and pure evil.

“We can support our own candidates without destroying others. This needs to stop. I have nothing but love and admiration for Indonesians.”

Dagdag pa niyang paliwanag, “Pageants should be fun. We need to create a positive image in empowering women.

“I know bashers will always be there, but can we not normalize things that are evil and not right? Hatred is an acquired behavior. We can surely unlearn it and start doing the right thing.”

Ipinagtanggol naman ng fans si Rabiya sa mga nangnenega sa kanya nang dahil sa edited video. Ngayon pa lang daw ay mukhang threatened na ang ibang kampo sa pagrampa ng dalaga sa susunod na Miss Universe pageant.

Read more...