Nakakalokang hirit ni Bimby: Kris na-in love sa 3 lalaking ‘not gwapo’

VIRAL ngayon sa social media ang isang video clip ng mag-inang Kris Aquino at Bimby kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa lovelife ng TV host-actress.

May netizen kasing nag-upload ng vlog nina Tetay at Bimb sa Twitter na kuha last month nang magkasamang gumawa ang magnanay ng Christmas macaroni salad.

Dito, tinanong ng anak si Kris ng hypothetical question, “What if you fall in love with someone not guwapo?”

Sagot ni Kris, nagkaroon na raw siya ng karelasyong hindi kagwapuhan. Bigla naman humirit ang bunso niyang anak ng, “Actually, three times already.”

Biglang natawa si Tetay ay sinabihan si Bimb na ibulong na lang sa kanya ang tinutukoy nitong tatlong lalaking “not guwapo” na naging dyowa niya noon.

Ngunit tumanggi si Bimby dahil meron nga naman siyang  microphone na naka-on. Sey ni Kris sa anak, “Feeling ko isa lang naman talaga. You think three talaga? Ha-hahaha!”

Kinulit niya ang anak na ibulong sa kanya kung sinu-sino ang tinutukoy nito kaya napilitan na rin si Bimby. Natatawang reaksyon ng TV host, “Nakakaloka! Hindi ko kaya ‘yung mga pinangalanan ni Bimb! Ha-hahaha! You know that they got it from their Mama!”

Kanya-kanya namang hula ang mga netizens kung sino ang tatlong naging karelasyon ni Kris na hindi gwapo para kay Bimb.

Ilan sa mga celebrities na naging dyowa noon ni Tetay ay sina Phillip Salvador na tatay ng panganay niyang si Joshua, ang basketball player na si James Yap, na daddy naman ni Bimby, at sina Robin Padilla, Herbert Bautista at Joey Marquez.

Na-link din noon si Kris kina Gabby Concepcion at Alvin Patrimonio.

Read more...