TINANGKA ni dating Chief Justice Renato Corona na makiisa sa anti-pork rally, ngunit hindi pa man din siya nakakatagal sa Luneta ay nakatikim na siya ng panglalait mula sa mga grupo at indibidwal na dumalo sa “Million People March”.
Bago magtuloy sa Quirino Grandstand, nakapwesto si Corona at ilan niyang mga kasamahan sa Manila Hotel at doon siya ay nakapanayam ng ilang mamamahayag.
Bagamat natutuwa anya siya sa ginawang audit report ng Commission on Audit, hindi anya sana napako lamang ito sa taong 2007 hanggang 2009 o sa panahon ni dating Pangulong Arroyo.
“Buksan lahat ng COA report, hindi lang 2007-2009 dapat kasama rin 2010 hanggang ngayon,” ayon kay Corona na na-impeach dahil sa hindi maayos na pagdedeklara ng kanyang statement of assets, liabilities at networth.
“We are here to be one with the anger of the people because of the abuses being done to the fund of the nation,” dagdag pa nito.
“The money and taxes of the people are being taken from them every month thinking that it would be used properly, but turns out it would end up in anomalies instead,” anya pa.
“The amount that was lost should have ended up in projects like the improvement of government hospitals services and projects for schools such as classrooms.”
Mula sa hotel ay naglakad si Corona kasama ang misis nito at ilan pang mga kaibigan at kaanak at nang dumating sa may likuran ng grandstand ay saka siya sinigawan ng mga tao.
Ilang beses din siyang tinawag na “epal” (mapapel). Dahil sa tensiyon ay napilitan ang kampo ng dating chief justice na huwag na lang tumuloy.
Atienza umepal din
Matindi rin ang pagbatikos na tinamo ni dating Manila mayor at ngayon ay Buhay partylist Rep. Lito Atienza nang dumalo ito sa anti-pork rally, at nakuha pang magpa-interview sa mga taga-media.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Atienza na isa siya sa mga nananawagan na buwagin ang pork barrel. At posisyon na umano na niya ito noon pang hindi pa siya kabilang sa Kamara.
Naki-rally din mula sa Quaipo patungong Luneta ang mga dating kongresista na sina Satur Ocampo, Liza Maza at Teddy Casino ng Bayan Muna.
Marcos nakiisa
Hindi man dumalo sa pagtitipon, sinabi ni Senador Bongbong Marcos na nakikiisa siya sa adhikain ng martsa laban sa pork barrel.
“More than the abolition, I share the thirst of so many of our people to know the truth behind the allegations to this pork barrel mess.
Buong katotohanan ang kailangan at hindi pinipiling akusasyon upang isulong ang interes ng mga iilan,” diin ni Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.