Dito hindi magiging banta sa seguridad ng Pinas–Tamano

Dito allays fears of Chinese spying: ‘We are a Filipino company’

Tiniyak ng Dito Telecommunity na hindi ito magiging banta sa pambansang seguridad.

“Una, kami ay isang kumpanya na Pilipino, pinatatakbo ito ng mga Pilipino, ang mga empleyado ay Pilipino,” pahayag ng tagapagsalita ng third telco na si Adel Tamano.

Nangangamba ang ilang senador at maging ang civil society groups na magagamit ang Dito para sa pag-espiya ng China sa Pilipinas. May 40 porsyentong pag-aari ang state-owned China Telecom sa Dito.

“Hindi namin papayagan na may mangyaring pag-espiya o kung anuman na makakasama sa seguridad ng bansa,” ani Tamano.

Sinabi pa niya na umaabot sa P1 bilyon ang inilagak ng kumpanya para sa cybersecurity.

Read more...