Ivana Most Searched Female Personality ng Yahoo PH; CLOY, Encantadia waging-wagi rin

ANG sexy star-vlogger na si Ivana Alawi ang nanguna sa “most searched celebrities” sa Yahoo Philippines ngayong 2020.

Muling pinatunayan ng dalaga ang kanyang “kamandag” sa madlang pipol sa pamamagitan ng bago niyang achievement sa larangan ng social media, internet at iba pang digital platforms.

Bukod sa nahamig na 10 million subscribers sa kanyang YouTube channel sa loon lang ng isang taon, siya nga ang itinanghal na Most Searched Female Personalities ng Yahoo Philippines kung saan tinalo niya ang ilan sa mga sikat na local at international stars.

Nasa ikalawang pwesto naman ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at sinundan ni Catriona Gray sa 3rd spot. Pasok din sa Top 5 si Bea Alonzo at ang Korean actress na si Son Ye Jin.

Nasa ikaanim na pwesto naman si Vanessa Bryant, ikapito si Nadine Lustre na sinundan ni Kim Chiu sa ikawalong posisyon at sina Angel Locsin at KC Concepcion paransa 9th and 10th spot.

Number one naman sa listahan ng Most Searched Female Personalities ang broadcaster na si Raffy Tulfo dahil na rin sa kanyang “sumbungan” show sa TV, radio at social media.

Pumangalawa sa listahan ang Korean superstar na si Hyun Bin, sumunod ang yumaong King Of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr., habang nasa ikaapat na pwesto naman si Marcelito Pomoy at ikalima si Sen. Manny Pacquiao.

Pasok din sa Top 10 ang isa pang Korean star na si Lee Min Ho sa 6th spot, sinundan ni Robin Padilla sa ikapitong pwesto habang si Kai Sotto naman ang nasa 8th spot.

Ang dalawa pang Korean actors na sina Park Seo Joon at Ji Chang Wook ang nakaposisyon sa ikasiyam at ikasampung pwesto.

Narito ang iba pang kategorya sa Yahoo Philippines’ top searches:

TOP NEWS TERMS/NEWSMAKERS

Taal Volcano
Kobe Bryant
United States Presidential Election
Rodrigo Duterte
Bayanihan Act 2020
Donald Trump
Francis Leo Marcos
George Floyd
Kim Jong Un
Kenny Rogers

MOST SEARCHED MOVIES AND TV SHOWS

Crash Landing on You
Encantadia
TV Patrol
America’s Got Talent
Frozen 2
Wowowin
The World of the Married
Ang Probinsyano
365 Days
Parasite

Read more...