Lotlot dumepensa kay Ian: Wag pong ganu’n, puro na lang kasinungalingan ang binabato

NIRESBAKAN ni Lotlot de Leon ang mga epal na bashers na nakikialam sa problema ng kanilang pamilya, lalo na sa nanghuhusga sa kapatid niyang si Ian de Leon.

Dumepensa si Lotlot sa mga namba-bash kay Ian matapos itong magsalita tungkol sa tunay na estado ng relasyon nilang magkakapatid sa kanilang nanay na si Nora Aunor.

Sinagot talaga ni Lotlot ang mga netizens na nang-ookray sa nakababatang kapatid matapos nitong dedmahin ang birthday party na inihanda mismo ni Ate Guy para sa kanya.

Nag-celebrate ng kanyang 45th birthday si Ian last Dec. 11 at dapat sana’y magkakaroon sila ng reunion ni Ate Guy sa mismong kaarawan niya sa pamamagitan nga ng party na in-organize ng Superstar.

Ngunit nagdesisyon nga si Ian na huwag nang pumunta nang malamang nag-imbita ang ina ng ilang kaibigan at fans sa party bukod pa sa planong gawing vlog entry ang muli nilang pagkikita.

Sa pamamagitan ng YouTube, nagsalita ang aktor tungkol sa totoong dahilan nang hindi niya pagsipot sa kanyang sariling party.

“Let’s not play games anymore. Una sa lahat, kahit ang pamilya namin ay nasa industriya ng show business, kami ng pamilya ko mas pinipili naming maging private.

“Ang sa akin, ang gusto ko lang mangyari kung ano ang okasyon namin as a family, ang gusto ko ‘yung kami-kami lang.

“Una sa lahat, tumawag ang mommy ko. Tuwang-tuwa ako kasi ilang taon kaming hindi nag-usap. Tuwang-tuwa ako, nag-I love you-han kami, nag-I miss you-han kami. Nagkuwentuhan kami.

“Plano niya nitong birthday ko maghahanda siya which ilang taong hindi nangyari ‘yon. I was truly happy, overfilled with joy. Sinabi pa niya, ‘Anak, pasensiya sa lahat ng pagkukulang, sa lahat ng mga kasalan ko.’ And siympre bilang anak, ganun din ako. ‘Pasensiya narin, Ma’.

“Bitter truth: ‘Yung phone call mo, nasaktan ako. Kinabukasan tinext mo ako, pwede ko bang gawing vlog ang pinag-usapan natin. Sumunod du’n mayroon siyang gustong ipapunta na tao. Sagot ko, ‘Sorry, Ma. I don’t think na magiging comfortable kami.’

“Alam ko nasaktan ka, nasaktan kita dahil ‘di ako sumipot. Naghanda ka. Best effort Ma. Hands down, I appreciate it from the bottom of my heart,” lahad pa ni Ian.

Sa kanyang Instagram page, nag-post naman si Lotlot ng throwback photos nila ni Ian kalakip ang birthday message niya sa kapatid.

Dito, ilang netizens ang nag-comment ng kanegahan tungkol sa pamilya nina Lotlot at Ian. Kaya naman sumagot na ang aktres sa panghuhusga sa kanila ng ibang tao.

“Yan po ang problema, May nabasa lang kayo at isang panig lang narinig nyo nanghuhusga kayo agad.

“Nakapanig na po kayo agad ni hindi nyo alam ang mga totoong nangyayare.. wag po ganun. puro na lang kasinungalingan ang binabato,” sey ni Lotlot.

Read more...