DALAWANG beses palang nakunan ang Pinay R&B Queen na si Kyla sa anak nila ni Rich Alvarez noong 2018.
Ito na raw ang pinakamatinding hamon na hinarap nila ni Rich bilang mag-asawa. At abot-langit ang pasasalamat ni Kyla dahil nalagpasan nila ang pagsubok na ito bilang married couple.
“Ayaw ko siyang pag-usapan noon but ngayon okay na ako na pag-usapan siya.
“When we lost our baby twice, ‘yun I guess that was the most challenging phase of ‘yung life namin together. Kasi mahirap din ‘yon, emotional, ‘yun ang mahirap,” kuwento ng Kapamilya singer sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”
Ayon pa kay Kyla, napakaswerte niya sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Rich, “As in, hindi ko sinasabi ito, all the good words, because asawa ko siya pero he is such a gentle person, gentle giant, totoo ‘yon sa kanya.
“Napaka-patient, understanding, compassionate, naturally empathetic. Alam mo ‘yon nararamdaman niya ‘yung nararamdaman ko. Bigla na lang may breakfast kasi alam nila na malungkot ako or something,” papuri pa ng singer kay mister.
Naikuwento naman ni Rich sa pamamagitan ng video call kung paano nila napagtagumpayan ni Kyla ang ilang challenges na hinarap nila bilang mag-asawa.
“Our relationship, we cannot hold things, we cannot keep things bottled up inside, because your relationship is going to get worse.
“So just try to make memories and make better ones and, of course, learn from our mistakes from each other, from our relationship and just try to be better,” pahayag ng basketball player.
Matapos ngang makunan, biniyayaan naman ng isang anak sina Kyla at Rich at ito raw talaga ang mas nagpapatatag sa kanilang relasyon.