MULA sa mga kinita niya sa pagtitinda ng halaman, nakabili na ng bagong property ang certified plantita na si Aubrey Miles.
Iyan ang ibinalita ng aktres sa madlang pipol kasabay ng pagpapakita sa na-acquire nilang lupain ng asawang si Troy Montero.
Sa kanyang latest Instagram post, makikita ang celebrity couple kasama ang kanilang mga anak sa bago nilang property na matatawag ngang katas ng pagiging plantita.
“Would you believe parts of this investment ‘KATAS NG HALAMAN’? Maraming makaka relate dito,” ang caption ni Aubrey sa kanyang IG post.
“Samahan mo na din ng ‘health & wellness,’” dagdag pa niya.
Nag-share rin ng mensahe ang celebrity mom sa lahat ng kanyang fans and social media followers tungkol sa pangangalaga sa kanyang mental health pati na ng kanyang pamilya sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya at iba pang kanegahan sa paligid.
“Mental state this year. We only live forward. As long as you’ve got passion, faith, and are willing to work hard.
“You can do anything you want in this life. Next year will be a better year for everyone.
“Let’s inspire each other and support one another. I believe anyone can do it. Go get it. Keep planting and stay healthy,” lahad pa ng sexy actress.
Kung matatandaan, nag-viral ang pagiging plantita ni Aubrey nang sabihin niya sa isang interview na gumastos siya ng P300,000 para lang sa isang halaman.
At sino nga ba ang mag-aakala na mababawi rin pala niya ang halagang ito sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga halaman at kikita pa nang bonggang-bongga.
Hindi lang si Aubrey ang maituturing na bigtime plantita, ang ilan pa sa mga celebrities na naaadik na rin ngayon sa pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng halaman ay sina Jinkee Pacquiao, Angelica Panganiban, Kathryn Bernardo at marami pang iba.