Kiray sinorpresa ng dyowa sa taping: May paandar naman pala, ikaw na! Hanggang simbahan na ‘to!

KAHIT “magkahiwalay” ngayon, naging memorable pa rin para kay Kiray Celis at sa boyfriend niyang si Stephan Estopia ang selebrasyon ng kanilang first anniversary.

Hindi personal na nagkasama ang magdyowa last Dec. 13, Sunday para sa unang anibersaryo nila bilang couple pero feel na feel naman ng Kapuso comedienne ang pagmamahal ng boyfriend.

Nasa lock-in taping kasi ngayon si Kiray para sa upcoming Kapuso series na “Owe My Love” kaya naman kahit gustuhin niyang makasama ang BF sa espesyal na araw nila, ay hindi talaga pwede.

Mahigpit na ipinagbabawal ng produksyon ang paglabas nina Kiray mula sa location ng taping hangga’t hindi sila natatapos.

Pero nakaisip nga ng paraan si Stephan para sorpresahin si Kiray sa anniversary nila — pinadalhan niya ang dalaga ng boquet ng roses at chocolates.

“Aba aba aba! May paandar naman pala! Nagulat ako may tumatawag. Delivery daw sa baba ng taping namin galing daw kay Stephan Estopia.

“Ayyysuuus naman! Thank you daddy! Super understanding mo.

“First anniv natin asa work ako. Pero iniintindi mo tapos sinurpresa mo pa ako. Thank you. Ikaw na!” ang mensahe ni Kiray para sa kanyang boyfriend na ibinandera talaga niya sa social media.

“Hanggang simbahan na ‘to. Chos!” aniya pa.

Niregaluhan naman ng komedyana ng cake ang BF with matching tribute post kung saan makikita ang mga sweet at travel photos nila ni Stephan.

“Wala na ‘kong masasabi sa kabaitan mo, sa pag-aalaga mo, sa pagmamahal mo, sa pag-iintindi mo.

“Saludo ako sa ‘yo. Salamat sa lahat dad. Worth it lahat ng nangyari sa buhay ko kasi binigay ka ni Lord sa ‘kin.

“Sobra akong nagpapasalamat sa Kanya kasi nakilala kita. Bonus na lang ‘yung naging akin ka,” pahayag ni Kiray.

Kung matatandaan, kamakailan lang ay nag-viral ang graduation photos ni Stephan dahil sa mga paandar post niya para kay Kiray.

Ipinost niya sa Instagram ang litrato niya na nakasuot ang toga at may hawak na whiteboard kung saan nakasulat ang mga katagang, “Mahal na mahal kita Johanna Ismael Celis” sa whiteboard.

Sa isa namang photo ay may mensahe siyang “Kiray lang sakalam.” Pinusuan at ni-like ito ng napakaraming netizens na halos iisa ang sinasabi, “Sana all!”

Read more...