IBINANDERA muli ni Matteo Guidicelli sa buong universe kung gaano siya ka-proud sa kanyang asawang si Sarah Geronimo.
Ayon sa singer-actor, bukod sa pagiging Popstar Royalty at ideal wife and partner, napakagaling din daw nito pagdating sa pagbe-bake.
Si Matteo ang special guest ni KC Concepcion sa latest episode ng kanyang “Kitchen Collabs” (season 2) sa YouTube kung saan nagkaroon pa sila ng “Tuna Pasta” showdown.
Sa unang bahagi ng online cooking show ni KC, sinabi nitong masayang-masaya siya para kina Matteo at Sarah dahil sa wakas, natupad na rin ang pangarap nila na magsama bilang mag-asawa at bumuo ng sarili nilang pamilya.
Ani KC, miss na miss na niya ang singer-actress, “Please give her a big kiss and a big hug from me. I’m so happy for you guys and I miss you guys.”
Sey naman ni Matteo, pwedeng-pwede rin daw magkaroon ng collaboration ang asawa at si KC sa kanyang YouTube channel for a baking session.
“You guys should like bake next time. You and Sarah should bake. She’s like the best at doing that,” pagmamalaki ni Matteo sa kanyang misis. Sagot naman ni KC sa kanya, “Really? Good. ‘Cause I know nothing about baking.”
Patuloy pang pagmamalaki ni Matteo kay Sarah G, “No, like she’s the best. Like people take like 50 tries to make the perfect cake. Siya isa lang and it’s perfect already.”
Hirit uli ni KC, “So talent pala ni Sars ang baking, ha. Sige, let’s do that. I super miss her. I miss Sars already. Tsaka siyempre ikaw ang hubby ni Sars so love ka na rin namin,” sey pa ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na malapit din kay Sarah.
Niregaluhan din ni KC ang celebrity couple ng isang sosyal na chopping board kung saan naka-engrave ang pangalan nina Matteo at Sarah.
“I’m so happy for Sarah and for you. I want to hug you both. Bilib ako sa ‘yo and kay Sarah,” mensahe pa ni KC sa mag-asawa.
Kinumusta rin ni KC si Matteo tungkol sa pagsasama nila ni Sarah bilang married couple, anito, “It’s like two people colliding, two people synergizing, and becoming better people. So, you just have to love honestly and trust. That’s all you really need, right?”
Ano naman ang ilan sa mga ginagawa nila ni Sarah para mas mapatatag at mas mapainit pa ang kanilang relationship?
“I think what makes us strong is that we’re transparent. She’s very honest. We’re honest with each other. You cannot hide things from one another,” sagot ni Matteo Guidicelli.
Kamakailan, in-announce ni Matteo na malapit nang mabili sa market ang “magical” strawberry cake at iba pang pastries ni Sarah, kailangan lang daw advance ang pag-order para magkaroon ang singer-actress ng sapat na panahon para gawin ang mga ito.
Ang iba pang ipinagmamalaki ni Matteo sa madlang pipol ay ang Japanese souffle cheesecake, lemon blueberry buttermilk at passion fruit coconut cheesecake ni Sarah.