TRULILI kaya ang tsikang nakarating sa amin na nasa top #2 ang “The Boy Foretold by the Stars” in terms of survey.
May nagsabi ring mabenta rin ang tickets nito sa Metro Manila Film Festival 2020 Upstream.ph na mapapapanood na simula sa Dis. 25.
Nang iparating ito kina Direk Dolly Dulu, Iyah Mina at Adrian Lindayag sa ginanap na virtual mediacon kanina ay nagulat sila at sana nga raw totoo ang balita.
Nagpapasalamat na agad sila sa mga nagkagusto ng pelikula dahil sinisiguro nilang maganda ang takbo ng kuwento at it’s about time na mapanood na ng maraming tao.
Bilang-bida sa “The Boy Foretold by the Stars” si Adrian kung saan ggampanan niya ang karakter ni Dominic.
“Dominic is every effeminate gay, he is every little gay boy and he reminds me of my high school experience na feeling ko dahil attracted ako sa mga lalaki, I felt I was invalidated that I was sin, makasalanan ako na mali ‘yung ganu’n.
“Ang pelikulang ito ay para sa mga little becky (young gay) na environment, nasa society na dinidikdik sa mga ulo, isipan at puso nila na kamalian sila, makasalanan sila.
“So, ‘yun po dahil hindi naman natin pinipili na ma-attract tayo sa same sex and God knows how many times I tried to choose being attracted to women just because that is the way of things at dahil iyon ang tama.
“And this film validates the existence the love, the attraction of boys to other boys because it’s as natural and as valid as any kind of love,” paliwanag ni Adrian.
Sa tanong naman kung anong mensahe nina direk Dolly, Iyah at Adrian sa mga taong hindi pa tanggap hanggang ngayon ang gay people sa lipunan, halos iisa ang kanilang sagot.
“Ang lungkot lang ng life nila. Ha-hahaha! I guess kawalan nila, kasi hindi naman tayo ang nawalan sa hindi nila pagtanggap. Sila ‘yun.
“Kung anuman ‘yung issues nila in life dinadagdag pa nila itong bagay na hindi naman dapat nila pino-problema pa I ba, kasi it’s none of their business or our business in that specific person,” nakangiti pero malamang sabi ni direk Dolly.
Say naman ni Iyah, “Masasabi ko lang siguro sa mga taong hindi pa talaga tanggap, maraming tanong, maraming masasakit na salitang sinasabi.
“Actually kaya nga may mga ganitong pelikula because it’s an eye opener. Kaya nga may ganitong pelikula para hindi na matanong para malaman nila kung ano ‘yung sinasabi nila sa likod ng kabaklaan. Gusto ko lang sabihin sa mga hindi pa kami tanggap ay we are valid and we are loved sa community na ito,” aniya pa.
“Ang gusto ko pong sabihin sa mga hindi pa rin tanggap is sana makakilala po kayo ng miyembro ng LGBTQIA+ community na re-respetuhin n’yo na bibigyan ninyo ng panahon na maintindihan at marinig ‘yung saloobin niya kasi I’m sure these people are not surrounded by anyone in the community kasi hindi nila alam.
“Kung meron man silang kamag-anak or kaibigan na ganu’n ay hindi nila binibigyan ng panahon para intindihin o kausapin para mahalin kasi kung bibigyan mo ng pagkakataon na mahalin ang LGBTQIA ay you will understand that we are no different, we are just the same as everyone.
“We want jobs, we have goals and dreams, pare-pareho tayong nahihirapan sa buhay, pareho tayong nagpupursige, pareho tayong may pangarap and mahirap pa nga para sa katulad namin sa community namij kasi hindi pantay ang pagtrato ng society sa amin.
“Sana bigyan kami ng pagkakataon na kilalanin kami kasi hindi po kami iba,” ang mahabang paliwanag ni Adrian.
Nabanggit din ni Adrian na naiintindihan niya ang mga taong hindi pa gaanong tanggap ang gay people dahil galing siya sa pamilyang konserbatibo.
Base sa ipinalabas na trailer ng “The Boy Foretold by the Stars” ay maganda ito at wala kaming nakitang kalaswaan kaya puwede itong mapanood ng mga kabataan at hindi rin naman siguro ito susugalan ng producer na si Jodi Sta. Maria kung hindi siya nagandahan sa kuwento ni direk Dolly at siyempre ng Clever Minds na ang nasa likod nito ay ang award winning director na si Derick Cabrido na siguradong pinanood mabuti ang pelikula at siyempre ang kilalang TV/movie executive na si Omar Sortijas na nasa likod ng pelikulang “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon” na umani ng maraming awards sa nakaraang Cinemalaya 2018.