Elha Nympha ginulat ang madlang pipol sa swimsuit photos: Pang-beauty ang datingan!
NAPA-WOW at napanganga ang mga netizens nang makita ang mga bonggang swimsuit photos ni Elha Nympha.
Ibinandera ng “The Voice Kids Season 2” (2015) grand champion ang kanyang sexy photos sa Instagram nitong weekend na talaga namang ikinagulat ng kanyang mga tagasuporta.
Makikita sa mga nasabing pictures si Elha suot ang kanyang black swimwear na kuha sa pagbabakasyon niya sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan. “Lost at sea. I’m not shore (wave emoji),” aniya sa caption.
In fairness, umani ng libu-libong likes at positibong comments mula sa kanyang IG followers ang pasabog na beach photo ng 16-year-old na singer.
May mga nagsabi pa nga na pang-beauty queen na ang aura at kaseksihan ni Elha kaya hinihikayat nila ito na mag-training na ngayon pa lang dahil pasadung-pasado na siyang mag-join sa Miss Universe-Philippines o Miss World PH.
Kung matatandaan, ginulat ni Elha ang madlang pipol nang ibandera niya ang kanyang pagpayat.
“Nag-start po yun nu’ng March. Nag-start ako sa small goals lang po. Dapat next week, ganito na ang weight ko.
“Unti-unti po, hindi ko na lang po namalayan na sobrang nag-lose na po pala talaga ako ng weight. Hanggang ngayon po, nagda-diet pa rin po,” aniya sa isang interview.
“Kasi before po, nag-diet na po ako and nag-lose na ako ng weight before tapos may inintake ako na medicine kaya medyo lumaki. May point po na parang gusto ko lang po ng change para sa sarili ko,” paliwanag pa niya.
Hindi lang sa Pilipinas sumikat si Elha dahil nakilala rin siya sa buong mundo nang tawaging “Philippines’ Big Shot Belter” matapos umapir sa US edition ng “Little Big Shots.”
Bahagi ngayon ang dalagita ng girl group na J.E.Z. kasama ang dalawa pang talent show champion na sina Janine Berdin (Tawag ng Tanghalan) at Zephanie Dimaranan (Idol Philippines).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.