Coleen binalikan ang karanasan sa water birth: Ramdam ko lahat dahil walang pain reliever

BINALIKAN nina Coleen Garcia at Billy Crawford ang naging unforgettable experience nila noong ipanganak ang panganay nilang si Baby Amari.

Ikinuwento ng mag-asawa sa latest vlog entry nila sa YouTube ang hinding-hindi nila malilimutang karanasan sa tinatawag na “home water birth.”

Isinilang ni Coleen si Baby Amari noong Sept. 10 sa mismong bahay nila sa tulong na rin ng kanyang OBGyne at ni Billy mismo. Aniya, talagang matindi ang hirap at sakit na dinanas niya habang nanganganak dahil wala ngang pain killers.

Bukod dito, nagka-vertigo pa raw siya dahil sa sobrang pagod habang nagle-labor, “I was so happy pero I was so tired. Siyempre, ramdam ko lahat. I didn’t have any pain relievers, nothing.”

Sabi ng aktres, nagdesisyon sila ni Billy na gumawa ng vlog para makatulong at makapagbigay ng karagdagang kaalaman hinggil sa inunan o ang tinatawag na placenta.

Aniya, halos pareho lang ang hirap na dinaranas ng isang babae sa panganganak kung ikukumpara sa pagde-deliver ng placenta. Isang oras pa raw ang hinintay niya bago lumabas ang kanyang placenta.

“They made me lay down na to deliver the placenta but it was taking so long and it’s painful already.

“It was kind of uncomfortable and they just kind of pressed my stomach pero my body was telling me I had to be upright but I was laid down.

“I was scared kasi I have vertigo na, e, kasi I understand din naman na kapag tatayo ako, they don’t know baka mahulog pa ko.

“After like an hour na, I have to really stand. I really have to get up kasi I feel na it will help me,” lahad pa ng first time mom.

Dagdag pa ng aktres, malaki raw ang naitulong ng pag-upo niya sa birthing chair para mas mapabilis ang paglabas ng kanyang placenta.

“It came out so much faster than when I was upright. That goes to show na you really should listen to your body and again, listen to the people guiding you at the same time. It’s a balance of that,” paliwanag pa ng misis ni Billy.

At alam n’yo ba na napakinabangan din ni Coleen ang inilabas niyang placenta dahil ginawa raw itong smoothie na nakatulong sa mabilis niyang recovery.

Bukod dito, in-encapsulate din ang ibang bahagi ng kanyang placenta na siyang iniinom niya once a day, “It is gross, but I feel like na it had good effect on me.”

Sey naman ni Billy, “It gave her energy and heals her quicker. It also gives her good nutrients.”

At ito pa, may isang bahagi rin ng placenta ang kinuha nina Billy at Coleen para gawing fancy jewelry bilang souvenir sa kapanganakan ni Baby Amari.

Read more...