Luis sa proposal niya kay Jessy: Nagtataka ang tao, ‘Grabe! Bakit sila bihis na bihis? Ano ‘yan, surprise?’

SINAGOT ni Luis Manzano ang mga hirit at negang komento ng bashers tungkol sa engagement nila ni Jessy Mendiola.

Sa pamamagitan ng Facebook Live, ipinaliwanag ng TV host sa mga nagtatanong kung surprise ba ang pagpo-proposal niya kay Jessy o scripted dahil pareho pa raw silang bihis na bihis sa beach sa kanilang engagement photos.

Sa kanyang FB Live, nagpasalamat muna si Luis sa lahat ng bumati at nag-congratulate sa kanila ng kanyang fiancée bago nagkuwento tungkol sa ginawa niyang wedding proposal.

Ayon sa binata, noong October pa siya nag-propose kay Jessy, “Gusto naming i-clarify, ha, kasi, ang dami ring nagtatanong. Nagtataka kasi sila kung bakit bihis na bihis kami sa beach, kung surprise ba daw yung engagement.

“Sabi namin sa ‘TV Patrol’ yung engagement happened noong October. OK, October pa iyon. So, it was our engagement photoshoot, yung nangyari,” chika pa ng anak ni Vilma Santos habang napapakamot sa kanyang ulo.

Kinunan ang video ni Luis habang nasa dressing room siya ng “I Can See Your Voice”.

Aniya pa, “So, yung ginawa namin sa Amanpulo, kaya nagtataka ang mga tao, ‘Grabe! Bakit sila bihis na bihis?! Ah, ano ‘yan, surprise?’

“It was our announcement, iyon yung engagement photoshoot. Pero yung engagement itself e nangyari noong October pa. So, iyon ang kuwento, OK?

“Kasi, may mga nagtataka, ‘Grabe, bakit naman ganoon sila kabihis na bihis sa beach? Surprise ba ‘yon? Halatang planado!’

“Iyon nga iyon, di ba? Engagement pictorial. So, it was our way of celebrating the engagement, at the same time, para ma-share sa maraming tao, OK?

“Gets? Gets n’yo na kung bakit kami nakabihis? Gets n’yo na kung bakit may mga pictures, OK? Ginawa talaga namin iyon as our engagement photoshoot. Malinaw ba? Malinaw ba ang pagkaka-explain ko?” patuloy pang paliwanag ng Kapamilya TV host-comedian.

Diin pa niya, “Hindi siya surprise. Hindi lahat-lahat iyon. We want to capture moments, para mabalikan sa engagement, which happened October.

“So, yung pinaka-engagement, noong October nangyari. Pero we wanted to do a photoshoot to enjoy the moment, to celebrate the moment. At para may ma-share kami sa lahat ng followers,” sey pa ni Luis.

Hirit pa niya sa mga bashers nila ni Jessy, “‘(May nagsasabi) Mukha namang halata ang lahat. Mukhang naka-set up.’ Tapos, si HowHow (tawagan nila ng aktres) e, may pictorial sa Manila Diamond kung saan suot niya ang singsing. ‘O, bakit suot niya ang singsing, dati pa?’

“So, ibig kong sabihin, gusto kong iklaro lahat ng mga tanong, bakit kami nakabihis sa beach, bakit sobrang pictorial ang dating, bakit hawak ni HowHow ang singsing sa Manila Diamond Studio?

“Dahil nga noong October pa nangyari yung engagement. In-announce lang namin nitong December 12. Pero kumbaga, matagal nang nangyari. So, sana, malinaw iyon,” ang dagdag paliwanag pa ng binata.

Read more...