HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagsasabi na retokada raw si Kathryn Bernardo, lalo na ang ilong ng dalaga.
Ayon sa ilang bashers, ng Kapamilya actress, ibang-iba raw kasi ang ilong nito ngayon kesa noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
May ilan pa ngang nag-post ng before and after photos niya sa social media para patunayan ang kanilang mga paratang kay Kath.
Pero pinaninindigan ng girlfriend ni Daniel Padilla na wala siyang ipinagalaw o ipinaretoke sa mukha niya at sa iba pang parte ng kanyang katawan.
Sa isang video kung saan sumabak si Kathryn sa “Never Have I Ever” game kasama ang celebrity doctor na si Aivee Teo Bernardo muling sinagot ng aktres ang tanong kung niretoke ba ang ilong niya.
“It’s a common question. They would ask me, ‘Parang Kath had her nose done kasi parang her nose is not the same.’ But I would always say, No,” pahayag ng doktor.
Aniya pa, “People are asking, they are so intrigued bakit daw yung nose mo gumanda?”
Sagot ni Kathryn, “Si Doc Aivee, hindi ka naman niya pipilitin to do something if you’re not comfortable with it. I am happy with my nose. Siguro lang when I got thinner and medyo tumanda, kaya siya lumiit.
“But I swear, si Doc Aivee walang ginawa sa nose ko or any doctors before Doc Aivee, just to be clear,” dagdag pa ni Kath.
Sey naman ni Doc Aivee, “I think it’s nice that it’s coming from you Kath because a lot of people are curious and they are interested to know. They want to know the truth straight from you.”
Pero ipinagdiinan ng Box-Office Queen na wala siyang isyu sa mga taong nagpapa-enhance ng kanilang itsura. Sa katunayan, bilib daw siya sa katapangan at paninindigan ng mga nagpapa-enhance.
“But if you want to have surgery, wala din namang problem doon. Go to Aivee, si Doc na ang bahala. But for me, no. It’s all natural,” sey pa ni Kathryn.