Velasco, Romero kailangan mag-self qurantine matapos makasalamuha si Lapeña – DOH
Sa ilalim ng Department of Health guidelines kailangan pa rin na magself-quarantine ang isang indibidwal na na-expose sa isang COVID-19 positive patient kahit pa man sa inisyal na COVID test nito ay lumabas na negatibo.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, director ng Health Promotion and Communication Service ng Department of Health, sa oras na makumpleto ang quarantine, kahit pa man asymptomatic at negatibo sa COVID test, ay saka pa lamang dapat babalik sa normal activities ang inbidwal na may exposure sa isang COVID-19 positive.
Malinaw din sa direktiba ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng quarantine sa mga na-expose sa COVID positive patient kahit ano pa man ang resulta ng isinagawang test dahil ang COVID 19 ay maaaring magdevelop sa pagitan ng dalawa hanggang 14 araw pagkatapos ng exposure.
Ang pag-obserba sa tamang health protocol partikular na sa usapin ng quarantine ay lumutang kasunud na rin ng naiulat na paglabag mismo dito nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero, Diwa Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary-General Dong Mendoza na nagkaroon ng direct exposure kay TESDA Director Isidro Lapeña na nagpositibo sa virus.
Ayon sa report, kasama ng mga House Leaders sa isang dinner sa Shangrila Taguig si Lapeña at iba pang Philippine Military Academy Alumni noong Nobyembre 19 na makikita sa Facebook post na walang suot na mask ang mga opisyal, makalipas ang dalawang araw ay nakumpirmang positibo sa virus si Lapeña.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.