WATCH: 3 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Rodriguez, Rizal

Scores hurt in multiple vehicle collision in Rodriguez, Rizal

Hindi bababa sa tatlo ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nangyari ang aksidente, Sabado ng umaga, malapit lamang sa harapan ng Montalban Town Center.

Sangkot sa aksidente ang isang van, UV Express, L300, 3 tricycle at isang kotse.

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar, binangga ng kulay puting van ang nasa harapan nitong L300 hanggang sa araruhin na ang iba pang mga sasakyan sa harapan.

Karamihan sa mga nasugatan ay sakay ng mga tricycle na sa lakas ng pagkakabangga ay tumagilid sa kalsada.

Agad isinakay sa ambulansya ang mga nasugatan kabilang ang isang duguan ang mukha.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...