Michelle Madrigal isang taon nang walang pekeng boobs: ‘My body feels healthier’

Ibinalita ni Michelle Madrigal nitong Biyernes na isang taon na siyang walang dala-dalang “toxic bags” sa kanyang katawan matapos na maipatanggal noong nakaraang taon ang kanyang breast implant.

At hindi niya pinagsisihan ang desisyong ito, kahit pa ang ibig sabihin nito ay balik siya sa dating mas maliit na boobs.

“I have never felt so empowered and confident even with my smaller breasts. Clothes fit me better and I am able to move freely,” ayon sa aktres sa kanyang Instagram post.

“My body feels healthier since my implant removal,” wika na ni Michelle.

Nagpalagay siya ng breast implant taong 2007 nang siya ay 18 gulang pa lamang siya. Ginawa niya umano ito dahil nai-insecure siya sa kanyang maliit na dede hindi kayaga sa kanyang mom at kapatid na babae.

Ipinatanggal ni Michelle ang pekeng boobs niya noong Disyembre 11, 2019 dahil gusto na umano niya ang isang lifestyle na mas healthy.

“No judgements here… if it makes you happy, do it. But do your research and make sure that it is something you truly want in the long run,” wika pa ng aktres.

Ayon kay John Paul Tutela, isang kilalang plastic surgeon sa America, dalawa ang pangunahing klase ng breast implant, saline at silicone.

Sa interview ng Us Weekly, sinabi ni Tutela na maraming dahilan kung bakit nagdedesiyon ang mga babae na magpatanggal ng breast implant.

Kabilang umano dito ang mga taong gusto lamang ibalik ang normal nilang dibdib at mabuhay sa mas healthy na pamamaraan, o kaya naman ay nakakaramdam sila ng mga kumplikasyon, kabilang na ang sakit at maging ang pagbabago ng posisyon.

May mga kaso rin na nabubutas ito lalupa ang saline implant, ayon kay Tutela.

Ilang Hollywood celebrities na rin ang napabalitang nagpatanggal ng pekeng boobs, kabilang na ang Baywatch star na si Pamela Anderson at Bachelor alum na si Melissa Rucroft.

Read more...