Proyektong magtutuloy sa LRT-1 pa-Cavite, 50% kumpleto na

 

Mula sa Facebook page ng DOTr

Mahigit 50 porsyento nang kumpleto ang Light Rail Transit-1 Cavite Extension Project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 50.54 porsyento na ang kabuuang  progress rate ng proyekto.

Kinapapalooban ang naturang proyekto ng 11.7 kilometer extension ng kasalukuyang LRT Line 1.

Dadaan ito mula sa Baclaran patungo ng Niog sa Bacoor, Cavite.

Sa sandaling makumpleto na, inaasahang bababa sa 25 minuto na lang ang biyahe mula Manila to Cavite mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minuto.

Read more...