Umabot sa 100 bahay ang natupok sa sunog na naganap sa Interior Ilaya, Alabang, Muntinlupa City.
Pasado alas 12:00 ng madaling araw nitong Biyernes nang magsimula ang sunog.
Umabot ito sa 3rd alarm bago naideklarang under control sa ganap na ala-1:49 ng madaling-araw.
Ayon sa Bureau of Fire, tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng natupok na mga aria-arian.
Bago mag alas 3:00 ng madalingaraw ganap na naideklarang fire out na.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES