BTS itinanghal na Entertainer of the Year ng TIME magazine


Ang sikat na K-pop group na BTS ang itinanghal na Entertainer of the Year ng TIME magazine.

Sa Twitter account ng TIME, opisyal na inanunsyo na ang BTS ang 2020 Entertainer of the Year.

Ayon sa TIME, maliban sa pagiging “biggest K-pop act” sa charts, ang BTS ay naging “biggest band” din sa buong mundo.

Nauna nang gumawa ng kasaysayan ang BTS nang makakuha ng major nomination sa Grammy Awards.

Ang single nitong “Dynamite” ay nag-No. 1 sa Billboard Hot 100 charts.

Read more...