Papel ni Chadwick Boseman hindi na ire-recast sa Black Panther 2

AFP

Napasya ang Marvel na hindi na i-recast ang role ng aktor na si Chadwick Boseman sa Black Panther 2.

Ayon sa Disney ito ay bilang pagbibigay-pugay sa legasiya ni Boseman sa pagganap nito bilang King T’Challa.

Sa halip, sinabi ng Disney na sesentro ang kwento ng Black Panther 2 sa mundo ng Wakanda at sa mga characters nito na nauna nang nakilala sa unag pelikula.

“Honoring Chadwick Boseman’s legacy & portrayal of T’Challa, @MarvelStudios will not recast the character, but will explore the world of Wakanda & the rich characters introduced in the first film,” ayon sa pahayag ng Disney.

Sa Hulyo 8, 2022 ang target premiere date ng Black Panther 2, na nasa panulat at direksyon ni Ryan Coogler.

Si Boseman ay namatay noong nakaraang Agosto 28 dahil sa sakit na colon cancer.

Read more...