TULAD ni Kristine Hermosa, buntis din ngayon ang dating “Eat Bulaga” Dabarkads na si Isabelle Daza sa second baby nila ni Adrien Semblat.
Ibinahagi ng TV host-actress sa madlang pipol ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Ipinost ni Isabelle ang selfie photo niya kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump. Dito, inihayag din ng aktres ang tungkol sa bagong line ng kanilang activewear, ang Recess.
“We wanted to create a maternity legging that was inclusive of all lifestyles (even lying on the couch) at an affordable price. BTW, 21 weeks today,” aniya sa caption.
Sunud-sunod naman ang mensahe ng pagbati kay Belle at sa asawa niyang French businessman na si Adrien para sa kanilang baby number 2. Ni-like at pinusuan ng ilan sa kanilang celebrity friends ang kanyang IG post.
“Congratulations! (heart emoji). Or are you just busog?” comment ng kasamahan niya noon sa “Eat Bulaga” na si Ryan Agoncillo.
Sey ng isa sa kanyang mga BFF na si Raymond Gutierrez, “I can’t wait to meet Baby Semblat number 2!!!”
Comment naman ni Mariel Padilla, “Yaaaaay! More babies! Congratulations!”
Mahigit dalawang taon na ang unang anak nina Belle at Adrien na si Balthazar “Baltie” Semblat at ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na pang-matinee idol ang datingan ng bagets kaya hindi imposibleng pasukin din nito ang mundo ng showbiz.
Ikinasal sina Isabelle at Adrien noong Sept. 10, 2016, sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy.