Angelica sa mga pine-pressure nang mag-asawa: Batuhin n'yo, tapos sabihin n'yo, ‘Kayo, kelan kayo gaganda?’ | Bandera

Angelica sa mga pine-pressure nang mag-asawa: Batuhin n’yo, tapos sabihin n’yo, ‘Kayo, kelan kayo gaganda?’

Ervin Santiago - December 11, 2020 - 11:46 AM


“KAILANGAN ba talaga ng lalake o ng babae sa buhay mo para lang masabing kumpleto ka?”

Yan ang hugot ni Angelica Panganiban na umaming nabubuwisit na rin kapag tinatanong kung kailan ba siya mag-aasawa at magkakaroon ng sariling pamilya.

Ayon sa dalaga, “pressure” is real kapag nakukulitan na siya sa mga taong walang ginawa kundi ang tanungin siya kung kailan siya magpapakasal o mag-aasawa.
Feeling ni Angelica, napakapersonal na usapin ito lalo na sa mga babae at hindi raw tamang pine-pressure ang isang tao tungkol sa kanyang pagpapakasal o pagbuo ng sariling pamilya.

Nagbigay ng kanyang opinyon ang Kapamilya actress-host tungkol dito sa isang episode ng online show niyang “Ask Angelica”.

May viewer kasi siya na humingi ng advice dahil nape-pressure na siya sa mga tanong kung kailan siya magkakaroon ng dyowa o asawa.
Unang hirit na sagot ni Angelica, “Batuhin mo yung mga taong nagtatanong ng ganyan. Sabihin niyo, ‘Kayo, kelan kayo gaganda?’”

Tinanong si Angelica ng guest co-hosts niya sa show na si Alex Gonzaga kung na-experience na rin ba niya ang ganitong pressure.

“Siyempre, lalo na sa pamilya, di ba? Si Mama yung, ‘Sana magkaano ka na, ‘no? Magka-boyfriend ka na, ‘tapos pag ano, siya na talaga iyon,’ Yung mga ganu’n?” sagot ng aktres.

Aniya pa, “Then, umabot sa point na nainis ako, kasi parang, bakit? Bakit niyo gusto ang isang tao magkaroon ng partner, e, nakikita mo naman na buong-buo siya by herself?

“Talaga ba? Kailangan ba talaga ng lalake o ng babae sa buhay mo para lang masabing kumpleto ka?

“E, di ba nga, dapat buo ka bago ka makipagrelasyon sa iba, dahil kung hindi, hindi rin naman kayo magiging masaya?” lahad pa ng tinaguriang Hugot Queen.

Sey naman ni Alex, hindi talaga tama na pilitin ang isang tao na magka-lovelife para lang masabing may dyowa siya. Darating at darating daw ang tamang tao para sa yo, sa tamang panahon.

Sagot naman sa kanya ni Angelica, “Oo, mind your own business, di ba?”

Samantala, naglabas din ng saloobin ang aktres hinggil sa isyu ng one sided affair o yung tinatawag na unreciprocated love.

“Minsan kasi mahirap diyan pag nagbibigay tayo, nag-e-expect tayo ng kapalit.

“’Tapos kung ano yung ibinigay natin, parang nalulungkot tayo na, ‘O, bakit ito lang? Ito yung ibinigay ko, ah. Dapat pantay tayo or higitan mo.’

“Kasi pag nagbigay ka, binigay mo yun, e. Huwag kang mag-expect ng something in return.

“Kaya lang masakit, siyempre, dahil love yung ibinibigay mo, tapos hindi nare-reciprocate. Medyo hassle talaga yun,” paliwanag niya.

Kamakailan, naging maingay na isyu sa showbiz ang tungkol sa bagong lovelife ni Angelica. Mismong ang mga kaibigan niya ang nagbuking na masaya ang personal life ngayon ng dalaga.

Recently, may mga chikang may bagong karelasyon na umano si Angge na siyang nag-aalaga at nagpapaligaya ngayon sa kanya ngunit until ay wala pang kinukumpirma o idinedenay ang dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagkalaalam ng marami, ang huling naging boyfriend ni Angelica ay si John Lloyd Cruz. Bago ito, naging dyowa rin niya noon sina Derek Ramsay at Carlo Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending