Rainbow-colored pedestrian lane pinasinayaan sa Maynila

Pinasinayaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang rainbow-colored pedestrian lane sa harap ng Plaza Rajah Sulayman.

Ayon kay Mayor Isko, ang makulay na pedestrian lane ay sumisimbolo sa paggalang ng pamahalaan ng Maynila sa karapatan ng mga miyembro LGBTQ community.

Matatandaang kamakailan lamang, nilagdaan ni Mayor Isko ang Anti-Discrimination Ordinance and the Gender and Development Code.

Layunin ng ordinansa na hindi makaranas ng diskriminasyon ang nasa LGBTQ community.

Read more...