P4.5T 2021 national budget, aprubado na sa bicam committee

 

Inaasahan na raratipikahan na ng Senado at Kamara ang inaprubahang ulat para sa isinusulong na P4.5 trillion 2021 national budget.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate finance committee, malaking bahagi ng pambansang pondo sa susunod na taon ay gagamitin para sa rehabilitasyon ng mga napinsala ng nagdaang malalakas na bagyo at sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 crisis.

Samantala, ang 10 ahensiya na napaglaanan ng malalaking pondo ay ang Education (DepEd, CHED, TESDA at SUCs), P708.18 bilyon; DPWH, P694.82 bilyon; DILG, P247.50 bilyon; Defense, P205.47 bilyon; DSWD, P176.65 bilyon; DOH, P134.94 bilyon; DOTr, P87.44 bilyon; DA, P68.62 bilyon; Judiciary, P44.10 bilyon at DOLE, P36.60 bilyon.

Nabatid na kasama sa mga napondohan ay mga bagong batas, ang Medical Scholarship and Return Service; pagtaas ng Chalk Allowance sa P5,000 ng mga public school teachers; National ID System; Philippine Space Agency, National Commission of Senior Citizens, at iba pa.

 

 

Read more...