Bernadette nawalan ng anak bago mag-birthday: Bawa’t isa sa atin may bubog, may sugat na malalim

MAY pinagdaraanan pala ang “TV Patrol” anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo.

Hindi lang nahahalata ng marami dahil maayos at masaya siya kapag napapanood na naghahatid ng balita gabi-gabi kasama sina Hernry Omaga Diaz at Kabayang Noli de Castro sa ABS-CBN.

At kapag nakakausap namin siya bago pa magsara ang ABS-CBN dahil hindi ni-renew ang prangkisa ng Kongreso ay masaya siyang kausap at laging nangungumusta.

Nagkita rin kami noon sa concert ni Odette Quesada at parati pa rin siyang nakangiti at nitong panahon ng pandemya ay lagi rin namin siyang nakakausap at nakaka-chat, masaya naman ang kanyang tinig na nagkukuwento tungkol sa bago niyang kantang pamasko na “Yakapin ang Pasko” na siya mismo ang sumulat at naglagay ng melody.

Anyway, nitong nagdaang Martes ay may ipinost siya tungkol sa kanyang pagbubuntis, ngunit nakunan daw siya.

“BUBOG lahat tayo may bubog. It took a while before I decided to post this – I ask myself, ‘How much should One reveal?’ today is a special day because December 8 (Immaculate Conception) was the day that Molly, our Daughter was officially ‘implanted.’ We lost her 9 weeks after.  We do have a Daughter and she inspired me to Live a life of honoring and remembering.

“To all those who shared their stories, their pains with me and the World through our reports. Thank you. I listened and you changed me.  Salamat po.

“May we continue to inspire each other my prayer has always Been Lord. Take charge of the desire in my Heart. If you do Not Will Something for us – I surrender my Will. GIVE ME THE GIGIL TO DO YOUR WILL,” pahayag pa ng news anchor.

At ang kuwento niya sa kanyang video post, “Today is special day and I want you to meet Molly (sabay pakita sa white box na may kasamang batang figurine), si Molly ‘yung baby namin ni Asawa (Emilio Aguinaldo IV), Mary Olivia, nakakaiyak pala ‘no.

“Wow, malalim pala ang bubog kapag napag-usapan ang ganyan minsan nahuhukay.  I wanted to talk about Molly because today is a big day for us, because we are going to ASAP to perform.

“Why Am I talking about Molly.  Well, we had Molly latter part of 2018, I think it was December 8 that we got confirmation that Molly was successfully implanted sa atin noong December 8 of 2018.

“But we lost her before my birthday of 2019. When we lost Molly, that’s where I learned to honor Molly’s life by living a full life and saying yes to a lot of things.

“Ang pinanggagalingan nito, I remembered when I was pregnant with her, I had a journal palibhasa late na akong na-pregnant I thought to myself I should write her like mga habilins in case I don’t see her grow-up.

“But anyway, we lost Molly but in my heart I knew that the way that I could honor Molly and remember her is if I lived a life I wish for her which a life saying yes to a lot of things, a life serving and in my case music.

“I started serving sa chapel kasi matagal ko ng pangarap na mag-serve sa simbahan pero nako-conscious ako kaya hindi ko nagawa-gawa and I guess a lot of the things about my journey sa music begun when I started saying YES to a lot of things.

“And today, I’ll take Molly (sabay lingon sa white box na may kasamang batang figurine) with me and I also take Papa with me.

“Papa naman was a crucial part because we lost papa in April 2019, magkakasunod sila.  But I promised papa that if I would sing, I would remember him.  So I take them with me.  Ang point ko lang today, we are celebrating ‘bubog.’

“Marami tayong bubog bawa’t isa sa atin na may bubog na may sugat na malalim na ating dinadala na hindi kailan man mawawala, pero ang punto rito, paano mo yayakapin ang bubog na mayroon sa puso natin.

“Ang turo sa akin ni Asawa na kaya pala ganu’n din ‘yung lyrics (Yakapin ang Pasko) is never to forget. Initially ang tendency para hindi ako masaktan ay ayokong isipin pero ang natutunan ko, isipin mo kung gaano sila kahalaga sa buhay mo, ano ang naging buhay nila and how would they feel if they saw us now ‘yung mga nawala sa buhay natin and I’m pretty sure, my papa and Molly were both in heaven and in my heart are very happy and proud because I am with them.

“Papa, here I am singing and I’m also singing for my mama because dream niya talaga na, ‘sana mag ASAP ka, mag ASAP ka.  It’s a long story with mama but it’s always been like that sa kanya.  Gusto niya makita ng buong mundo.  Where is si papa would be very much happy to see me singing in church.

“Another important part of our performance today ay dahil dala ko rin ang bubog ng maraming tao na ibinahagi sa akin sa ating trabaho, so kasama kayo at kaya ako nakapagsusulat ay dahil sa mga bubog na alam ko namang ay hindi naman mananatiling bubog.

“May lyrics akong sinusulat na naman na itong mga bubong na nagniningning dahil sa liwanag po ni God, dahil sa liwanag ng pagmamahal ng iba.  Embrace our bubog and let us shine!  B-Namnam.”

Hayan, nasagot na ang tanong ng marami kasama na kami kung bakit hanggang ngayon ay wala pang anak sina Bernadette at Emilio.

Pero matagal na naming napapansing kahit nakangiti at tumatawa si Badette ay malungkot ang kanyang mga mata at nitong Lunes ay pinansin namin, “May contact lens ka ba? Matang pusa?” at sinagot niya kami ng “Normal ‘yan.’ Sagot namin sa kanya, “Huwaw!”

At ang natawa niyang reply, “Pag naiilawan! Hahaha so dapat may baon na Lights! Hahaha.”

Read more...