Kim: Hindi ako reyna...wag kang makakalimot kahit sobrang taas ka na | Bandera

Kim: Hindi ako reyna…wag kang makakalimot kahit sobrang taas ka na

Ervin Santiago - December 09, 2020 - 09:21 AM

MAITUTURING na rin daw ngayong Queen of ABS-CBN ang TV host-actress na si Kim Chiu dahil sa dami ng proyekto niya sa network.

Kamakailan ay muling pumirma ng exclusive contract ang dalaga sa Star Magic kaya inaasahang mas marami pa siyang gagawing projects pagsapit ng 2021.

Kung may isang Kapamilya artist na talagang hindi nawala sa eksena kahit pa may pandemya, yan ay walang iba kundi si Kim dahil sa sunud-sunod na programa niya sa ABS-CBN.

Bukod sa mga regular show niyang “It’s Showtime”, “ASAP”, “PBB Connect”, nakagawa rin siya ng horror movie kamakailan, ang  “U-Turn”. At sa darating naman na Dec. 14, mapapanood na ang bago niyang digital serye na “Bawal Lumabas: The Series,” sa iWant TFC.

Kaya naman sa nakaraang virtual mediacon para sa “Bawal Lumabas,” ay natanong kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing siya na ang bagong “queen” ng Star Magic.

“Una, hindi ako reyna. Marami pang mas matagal pa sa mundo ng Star Magic.

“Nag-expire na kasi ‘yung contract ko sa Star Magic and ABS-CBN, so ako ‘yung natira na medyo senior sa kanilang lahat,” unang paliwanag ni Kim.

Kasabay ni Kim na pumirma ng kontrata sa Star Magic ang ilan sa mga baguhang artist ng network kaya naman hiningan siya ng mensahe para sa mga kabataang artista ngayon na nangangarap ding sumikat tulad niya.

“Don’t forget where you came from no matter how high you are. Dapat isipin mo pa rin kung sino ang nandiyan na tumulong sa ‘yo.

“Nasaan ka man ngayon, don’t forget to give thanks. Humility. Look back. Huwag kang makakalimot kahit sobrang taas ka na. I know it is you, but there are people behind you who helped you (get to) where you are right now,” mensahe ng dalaga.

Samantala, bawal nga ang malungkot at bawal ang mag-isa sa panonood ng pampamilyang kwentong handog ng iWantTFC ngayong Kapaskuhan sa original series na “Bawal Lumabas: The Series.”

Makaka-relate ang marami sa kwento ni Emerald (Kim), isang overseas worker na nakapagtrabaho na sa iba’t ibang bansa para suportahan ang kanyang pamilya. Dahil ulila na silang magkakapatid, ibang klase ang dedikasyon niya sa trabaho dahil sa kagustuhang matupad ang pangarap ng mga namayapa nilang magulang para sa kanilang pamilya.

Matapos ma-expire ang kontrata sa huli niyang trabaho, uuwi sa Pilipinas si Emerald para makasama ang kanyang mga kapatid na sina Onyx (Paulo Angeles), Ruby (Trina Legaspi), at Jade (Francine Diaz) ngayong Pasko.

Ngunit sa tagal niyang nawalay sa kanila, mahihirapan si Jade na pakisamahan ang mga kapatid, lalong lalo na ang rebeldeng si Jade, dahil tila malayo na ang loob sa kanya nito.

Dahil dito, susubukin ni Emerald na mapalapit kay Jade at magiging classmate nito.  Bukod sa hirap na siyang makuha ang loob ng kapatid, mas magiging kumplikado rin ang sitwasyon dahil ang teacher pala nila ay ang kanyang ex-boyfriend na si Jonjon (Rafael Rosell).

Sa pagpipilit ng kanyang sarili at pakikialam sa buhay ni Jade, lalo lamang iigting ang tensyon sa pagitan ng magkapatid at madadamay pa pati ang relasyon ni Emerald kina Onyx at Ruby.

Maaayos ba ng magkakapatid ang kanilang relasyon? Pagsisihan kaya ni Emerald ang kanyang pag-uwi?

Ang family dramedy na ito ay idinirek ni Benedict Mique at tampok din sa serye ang hit song ni Kim na “Bawal Lumabas,” na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Bawal Lumabas: The Series” simula Dis. 14 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes at isa ang ilalabas araw-araw tuwing 6 p.m. hanggang Dis. 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending