TULAD ng inaasahan ng mga Pinoy K-Pop fans, ang sikat na sikat pa ring BTS ang nanguna sa Twitter world this year.
Ngayong 2020, ang nasabing K-pop boyband ang itinanghal na Most Tweeted About K-pop Group sa Twitter Philippines.
Mas bumongga pa ang powers ng K-pop sensation sa bansa at sa iba pang bahagi ng mundo nang lumabas na ang kanilang first English single na “Dynamite.”
Talagang winasak ng nasabing kanta ang lahat ng YouTube records nang mag-premiere ang music video nito.
Samantala, pumangalawa naman sa listahan ang girl group na BLACKPINK na umariba nang todo sa hit song nilang “How You Like That” na sinundan pa ng paglabas ng kanilang first full album na “Lovesick Girls.”
Ang iba pang pumasok sa Top 10 Most Tweeted About K-pop Group sa Twitter PH ay ang Seventeen, EXO, Twice, Treasure, TXT, GOT7, Enhypen at Stray Kids.
Ayon pa sa Twitter, maituturing na ring phenomenal ang grupong Enhypen dahil kahit kasisimula pa lang nila ay maraming Pinoy Twitter users na ang sumuporta sa kanila.
“This means that Filipinos on Twitter are really in the know of what’s happening in the K-Pop scene,” ayon sa official statement ng Twitter PH.
Samantala, ang BTS din ang nag-number one sa Twitter’s Most Tweeted About K-Pop Hashtags list na sinundan din ng BLACKPINK.