Petsa ng bakasyon sa pampublikong paaralan ngayong Kapaskuhan, inanunsyo ng DepEd

Mula sa Facebook page ng DepEd

Simula na ng bakasyon para sa Kapaskuhan ng mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 12 sa pampublikong paaralan ngayong Disyembre 19, ayon sa Department of Education (DepEd).

Muli namang magbubukas ang klase sa Enero 4, ayon sa pahayag ng DepEd sa Facebook page nito.

Bagamat opisyal na magtatapos ang klase para sa first quarter ng academic year ngayong Disyembre 12, sinabi ng ahensiya na may in-service training naman para sa mga guro na magaganap mula Disyembre 14 hanggang 19.

Ipinatutupad ng DepEd ang sistemang blended learning dulot na rin ng panganib na hatid ng Covid-19.

Read more...