SA halip na matuwa at maging proud bilang Filipino, nilait pa ng ilang netizens si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa bagong award na nakuha nito.
Si Pia ang napili ng Dubai-based luxury magazine na Xpedition bilang Woman of the Year dahil sa patuloy na pagsusulong nito sa kanyang nga adbokasiya simula nang maging Miss Universe.
Talagang nag-effort si Pia para maka-attend sa Xpedition Annual Gala Awards (XAGA) sa Dubai para personal na tanggapin ang kanyang award.
Maraming nag-congratulate sa dalaga at nagsabing deserving talaga siya sa nasabing parangal dahil sa dami ng kanyang nagagawa para makatulong sa ating nga kababayan na nangangailangan.
Pero as usual, may mga bashers pa rin ang nagkomento na wala raw siyang karapatang parangalan ng Woman of the Year kaya huwag na raw niyang ipagyabang ang natanggap na award.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Pia ng litrato na kuha sa Dubai matapos matanggap ang kanyang award. Dito nga niya inilabas ang kanyang saloobin tungkol sa mga haters.
“I’m so grateful to receive one of them. Thank you for recognizing my efforts,” simulang mensahe niya sa caption.
Pagpapatuloy pa niya, “I’m so grateful to receive one of them. Thank you for recognizing my efforts.
“I noticed a few bashers questioning why I was given this award, also saying that I don’t deserve it.
“I usually don’t like answering them but I have to admit, nahuhurt ako pag sinasabing ‘wala ka namang ginawa,’” sey pa ng beauty queen kasabay ng mahabang paliwanag kung bakit nahe-hurt siya sa pang-ookray sa kanya.
“Ang saya-saya ko everytime I give back in my own little way. And it hurts me when people say na wala naman akong ginawa or ginagawa.
“This year has been tough for me too. I’ve been trying to keep my head up and balance work and businesses, my personal life and even family issues.
“I’ve been through some really dark times this year (even Jeremy has seen it) but somehow I’ve been able to fight through it and I haven’t forgotten about the people who believe in me. So to my bashers who work so hard to bring me down, okay lang sa kin kung ayaw niyo sa kin, or iba kasi ang bet nyo,” aniya pa.
At kahit limang taon na ang nakararaan after niyang makoronahan bilang Miss Universe, “There are people and organizations who still believe and trust in me and that’s all that matters. Ok na ok na ko dun.”
Inisa-isa rin ng dalaga ang mga nagawa niyang charity works bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tinutulungan niyang foundation and institution.
“Usually, I just join other fundraisers but this time I started my own. Literally me handling the monetary donations myself, without an org to work with. And keeping it all transparent para sure na lahat talaga madodonate.
“I was able to collect over 1 million pesos. I used the money to donate PPEs to hospitals earlier this year when they were harder to get by. I also donated money to the fundraiser myself.
“When we collected everything, I only had my cousin, a friend and my driver to help me do the deliveries. Kami lang po yung gumagawa. Wala kaming big team or staff.
“Around the same time, I also partnered with a local restaurant to continuously deliver lunch and dinner to the ICU unit (of) Makati Med for weeks and that was with my own money,” aniya pa.
At nito lang nakaraang buwan, isa rin si Pia sa mga tumulong na mag-raise ng funds para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.
“I even personally reached out to the beauty queens myself to help us spread the word so we could collect more and help more. Syempre nag donate din kami from our own pockets.
“And before I left for Dubai, before I could even pack my stuff for the trip, inuna ko muna yung repacking of relief goods for Love Yourself. Wala po akong maid sa bahay, kami lang po ng pinsan ko ang nandun and we did everything ourselves.
“I kept myself busy during this pandemic by helping, donating, keeping myself updated with the news and doing free interviews and talks,” lahad pa ng dalaga.