Patuloy na bumubuti ang serbisyo ng internet sa bansa batay sa November 2020 report ng Ookla, ang global leader sa mobile at broadband network intelligence, testing applications at technology.
Para sa fixed broadband latest report, nakasaad na sa average download speed na 28.69Mbps, umabot sa 262.71 porsyento ang itinaas mula sa dating download speed na 7.91Mbps nitong July 2016.
Samantala, ang overall mobile network performance ay nagbunga ng average download speed na 18.49Mbps na may pagtaas ng 148.52 porsyento mula sa speed na 7.44Mbps noong July 2016.
Ang consistent increase sa internet speed ay nangyari sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic-related lockdowns at naghudyat ng infrastructure roll-out at maintenance ng cell sites sa iba’t ibang lugar sa bansa simula March 2020.
Nangyari ang pagbuti ng internet speed habang ang bansa ay bumabangon sa pinsala dulot ng mga bagyong “Ambo”, “Quinta”, Super Typhoon “Rolly” at Typhoon “Ulysses”.
Kabilang sa mga lugar na matinding hinagupit ng mga naturang kalamidad ay ang Region II, NCR, CALABARZON, Central Luzon at mga karatig lalawigan, Oriental at Occidental Mindoro, Quezon province, Bicol Region, Northern at Eastern Samar, CARAGA, Bukidnon at Davao del Norte.
Nangyari ang improvement habang ang telco services ay sinisikap na makamtan ang 500 porsyentong increase sa demand ng internet services dahil sa pagtaas ng work, education at entertainment-related usage dulot ng umiiral na community quarantine guidelines.
Sa kanyang talumpati, inobliga ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang telco services ay mapaghusay hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Inaasahan na lalo pang mapaghusay ang internet speed sa bansa sa collaboration ng DILG sa local government units para sa pagpapabilis pagkuha ng permits sa pagpapatayo ng cellular towers.
Ayon kay Globe President and CEO Ernest Cu, ang pagpapabilis ng proseso ng permits upang bigyang-daan ang telco industry na makapag-patayo ng mga kinakailangang imprastraktura upang mapaunlad ang connectivity sa bansa.
Ayon naman kay DILG Sec. Eduardo Año, mahigit 2,200 applications for permits ng telco firms para makapagpatayo ng cell towers ang naaprubahan kamakailan sa layunin na mapabilis ang konstruksiyon ng cell sites para sa mas maayos na connectivity services hanggang sa pagtatapos ng taon.
Samantala, pinalalakas na ni Department of Information and Communications Technology Sec. Gringo Honasan ang Free Wi-Fi sa lahat ng proyekto sa buong bansa
para mapaunlad ang online class learning experience ng mga guro at estudyante sa remote areas.
Inaasahan naman na sa Marso ng 2021 ay idaraos na ang commercial launch ng ikatlong telco sa bansa-ang DITO Telecommunity, na inaasahang magpagpapaunlad sa telco services at mas abot-kaya.