Tetay hinding-hindi makakalimutan ang ginawa ni Jak; Lovi best actress sa 10th Int’l Film Fest Manhattan

HINDING-HINDI na makakalimutan ng Kapuso comedian na si Divine Tetay si Jak Roberto kahit na ano pa ang mangyari.

May ginawa kasi sa kanya ang boyfriend ni Barbie Forteza na talagang ikinakilig at ipinagpasalamat niya nang bonggang-bongga!

Kaya naman talagang ibinandera niya ito nang batiin si Jak nitong nagdaang birthday ng binata (Dec. 2) sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Naging close ang dalawa nang magkasama sa hit Kapuso series na “Meant To Be” na pinagbidahan nga ni Barbie at hanggang ngayon ay napanatili nila ang kanilang friendship.

Sa birthday message ni Tetay, pinatunayan niya kung gaano ka-sweet at ka-generous na kaibigan si Jak kasabay ng kanyang wish na sana’y matupad pa ng Kapuso hunk ang iba pa niyang pangarap sa buhay.

“Sa taong napaka sweet sa akin at unang nagpa-experience sa ‘kin ng P14k na tsinelas, happy happy birthday sayo Kuya Andoy! May our sweet Lord grant you all your wishes. Labyou Kuya @jakroberto,” ang caption ni Tetay sa ipinost niyang litrato ni Jak.

Nag-thank you naman ang aktor sa komedyante pati na rin sa lahat ng mga nakaalala at bumati sa kanyang birthday.

“Cheers to another year of blessings! Thanks for all your greetings and wishes guys! I love you all,” ang caption sa birthday photo niya sa IG kung saan muling ipinasilip ni Jak ang nagmumura niyang 6-pack abs.

Samantala, malapit na uling mapanood si Tetay sa romcom series ng GMA na “Owe My Love” na pagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

* * *

Speaking of Lovi Poe, wagi uling Best Actress ang Kapuso star para sa indie film na “Latay (The Battered Husband)” sa 10th International Film Festival Manhattan.
Ang “Latay (The Battered Husband)” ay tungkol sa isang mister na palaging sinasaktan ng kanyang misis.

“Love making films especially films with themes that are hard to talk about, with characters that are rarely seen on screen.

“I have never portrayed the role of a violent wife to a battered husband. To say it was challenging is an understatement.
“I am fond of taking on off-beat roles and doing projects like this that raises awareness about domestic violence, particularly towards men, which isn’t documented as much,” ang post ni Lovi sa Instagram.
Dugtong pa niya, “Thank you to our director Ralston Jover for giving me your full trust in playing a very unconventional character,” aniya pa.

Read more...