Sharon may inamin tungkol sa halikan nila ni Boyet sa pelikula | Bandera

Sharon may inamin tungkol sa halikan nila ni Boyet sa pelikula

Ervin Santiago - December 03, 2020 - 09:12 AM

NAPA-THROWBACK na naman si Megastar Sharon Cuneta nang maalala ang kissing scene nila ni Christopher de Leon sa isang pelikulang ginawa nila ilang taon na ang nakararaan.

Ang tinutukoy ni Mega ay ang romance drama na “Kailan Sasabihing Mahal Kita” na ipinalabas noong 1985.

Ibinuking ng award-winning singer-actress na kinailangan daw niyang magmakaawa sa Viva Films para hindi mapanood ng publiko ang halikan nila ni Boyet sa ending ng movie.

Ayon kay Shawie, hindi raw kasi ito nagustuhan ng dati niyang asawa na si Gabby Concepcion kaya talagang pinakiusapan niya ang production at ang mga bossing ng Viva Films na putulin na ang nasabing kissing scene.

Sa kanyang Instagram post, inamin din ng Megastar na matagal na talaga niyang crush si Boyet, as in bago pa siya pumasok sa showbiz ay paborito na niya ang isa sa kanyang mga favorite leading man.

Isang eksena sa binanggit niyang movie ang ipinost ni Sharon sa IG at nilagyan ng caption na, “I am watching ‘Kailan Sasabihing Mahal Kita’ now, my first movie after I had given birth to Maria Kristina Cassandra. I was nineteen!

“My third with Christopher De Leon (the first wasn’t really a full movie. Viva asked Boyet to do a cameo in my ‘Bukas Luluhod Ang Mga Tala’ before I got married to see if Boyet and I had on-screen chemistry together! Then we did Bituing Walang Ningning!).

“Then-hubby (Gabby) was so upset at the ending’s kissing scene that I had to beg Viva to cut it just before Boyet’s & my lips touched! Hahaha! Balita ko nainis si Boyet after he’d watched the movie. Professionals nga naman kami.

“Kaya nung finally nakiss nya ako sa ‘Madrasta’ – sabi niya after the scene, ‘Patingin nga (ng monitor)! Thirteen years ko hinintay ang lintek na yan!’

Hahahaha! Kasi may movies pa kaming ginawa between ‘Kailan…’ & ‘Madrasta’ & we never kissed in a scene! Ganon talaga ako nung araw. Ibang panahon.

“Ang ganda-ganda ng movie na ito! Kasama ko pa si original crush (bago pa ako nagsimula kumanta crush ko na siya)! At Cebuana nga pala ako dito.

Nagbibisaya ng konti lang. And it was directed by the great Eddie Garcia.

“Also starred me with my Cherie Gil and some of the best actors of their generation. Theme song written by George Canseco, sung by yours truly.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Only the very best of everything from Viva. I am beyond grateful. God has been so good to me. (At ampogi ni Christopher talaga maryosep!),” bahagi pa ng post ni Shawie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending