UMAASA pa rin si Matteo Guidicelli na isang araw ay magiging maayos din ang relasyon niya sa pamilya ng kanyang asawang si Sarah Geronimo.
Aminado ang singer-actor na hindi naging perfect ang ginanap na kasal nila ng Popstar Royalty noong Pebrero, 2020, pero para sa kanya ito pa rin ang pinakamahalaga at pinakamagandang araw sa kanyang buhay.
Alam naman ng lahat na nabahiran ng iskandalo ang intimate at “secret wedding” nina Sarah at Matteo dahil balitang sumugod doon ang nanay ng actress-singer para pigilan umano ang kasal.
Hindi raw kasi inimbita o ipinaalam ng AshMatt sa mga magulang ni Sarah ang magaganap na kasal kaya naman gumawa raw ng paraan si Mommy Divine para makausap ang anak pero nauwi nga sa gulo ang pagdating doon ng nanay ng aktres.
Nakachikahan ni Toni Gonzaga si Matteo sa kanyang latest vlog at dito nga nabanggit ni Matteo ang saloobin niya tungkol sa kontrobersyal secret wedding.
“Before we got married, grabe ‘yung ride namin. Of course, the ride never ends. But a week before the lockdown, February 20, 2020, we got married. Very small wedding.
“A week after was supposed to be our wedding with our friends. But the lockdown happened. Everything was planned,” simulang kuwento ng aktor.
Dugtong pa ng husband ni Sarah G, “At the end of the day, it was a beautiful day of two people synergizing together becoming as one. That was one of the best days of my life. It wasn’t perfect but I consider it the best day of my life.”
Sa tanong naman ni Toni kung bibigyan siya ng chance na ulitin ang kasal, may gusto ba siyang baguhin? “Of course, my dream was to really have a wedding-wedding. Actually a military wedding was my dream with all my relatives, friends, people who have been with me since day one. Her naman, very private.
“She really wanted it private, solemn with just family and loved ones,” aniya pa.
“Of course (pagpunta ng pamilya ni Sarah) it would have completed my wife’s dream. In God’s time, things will heal. Things will be better.”
Inamin din ni Matteo na isa sa palagi niyang naiisip ay ang pagdating ng araw na maaayos din ang lahat sa pagitan niya at ng pamilya ng kanyang misis.
“I imagine that all the time. Not just for me, but obviously primarily for my wife and also my family, my parents.
“I believe our parents raised us up and worked so hard for us that one day, we could marry a woman or a man, and two families would combine.
“You know, having drinks together, pasta together. I think that’s our family’s dream. So ‘yun. One day, it will happen,” lahad pa ng aktor.
Ito naman ang nais niyang iparating na mensahe sa magulang at pamilya ni Sarah, “We are extremely happy. Sarah is beautiful. Sarah is amazing. Sarah is independent. She’s happy.”
Samantala, mas pinakilig pa ni Matteo ang AshMatt fans nang sagutin nito ang tanong kung kailan daw siya pinakamasaya. Sagot niya, kapag daw masaya si Sarah, mas masaya siya at kapag nakikita niyang tumatawa at nag-eenjoy ang asawa feeling niya kumpletong-kumpleto na siya.