Vice gusto na raw magkaroon ng sariling anak: Sige, karirin natin 'yan! Bandera

Vice gusto na raw magkaroon ng sariling anak: Sige, karirin natin ‘yan!

Ervin Santiago |December 01,2020
share this

Vice gusto na raw magkaroon ng sariling anak: Sige, karirin natin ‘yan!

Ervin Santiago | December 01, 2020 - 02:06 PM

NAGPASINTABI na ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz kay Vice Ganda matapos ibandera ang plano nitong magkaroon na ng sariling anak.

Ayon kay Ogie, nakausap niya raw ang TV host-comedian tungkol dito at mukhang nakumbinsi naman niya ang dyowa ni Ion Perez na pag-isipan ito nang bonggang-bongga.

Sa bagong vlog ng manager ni Liza Soberano, napag-usapan nga ang pagkakaroon ng sariling baby ni Vice sa pamamagitan ng siyensya.

“Ka-text ko si Vice. Sabi ko, ‘Vice, karerin natin ‘yung ano mo.’ ‘Yung magkaroon siya ng anak.

“Siyempre may kilala akong doktor na ganoon, kaya hinihimok ko si Vice. Sabi ko mag-ano ka, ikalat natin ang lahi mo. Si Vice kasi matalino, grabe ang sense of humor, hindi ba? Mag-extend man lang noon,” tuluy-tuloy na pahayag ng komedyante.

Aniya pa, “Sabi sa akin ni Vice, ‘Sige, karerin natin ‘yan.’ Excited kasi ako for Vice talaga, sasamahan ko siya, sasamahan kita kasi kilala ko ang doktor.

“Meron na silang nagawang ganoon. Ima-match mo lang ‘yung egg sa sperm ni Vice. So mamimili ka roon, sa Thailand yata ginagawa ‘yon. Mayroon mukha, tapos nakalagay doon lawyer, ‘yung isa naman engineer, ‘yung isa naman doktor mga ganoon.

“Tapos (idagdag) mo pa sa utak ni Vice, eh ‘di bongga ang bata, di ba? Oh ‘di ba mas masarap pa ring makakita ng younger version ni Vice,” excited pang chika ni Ogie.

Alam naman ng lahat na may pag-aalinlangan si Vice tungkol sa pagpapalaki ng sariling anak, “Laging natatanong sa akin, ‘Hindi ka ba mag-aanak?

“Sayang naman.’ Sabi ko, kung iisipin ko lang ‘yung kakayahan ko, puwede kong sabihin na kaya ko. Pero ayaw ko kasi talagang i-expose ‘yung magiging anak ko sa cruelty ng mundo.

“Ako, kaya ko ‘yun. Puwede kong sabihin, na handa na ako, kasi napagdaanan ko na ‘yan, kinaya ko na ‘yan. Pero ‘yung bata, hindi ko lubos na maisip ‘yung hirap ng anak ko kapag sinalbahe ng mga salbahe, hindi ba? Parang ako na lang.

“Okay lang kahit mag-isa na lang ako, kahit wala na lang akong anak, basta huwag na lang magdusa ‘yung magiging anak ko kung saka-sakali,” ang naging pahayag noon ng Phenomenal Box-office Star.

Pagpapatuloy namang chika ni Ogie sa kanyang vlog, “Basta abangan natin ‘yan kung totohanin ni Vice sinabi niya sa akin. Eh ‘yung nauna pa ako. ‘Di ba mahadera ako, ako pa ang nagsabi dito.

“Baka biglang sasabihin sa akin, ‘Ikaw inuna mo na ibalita sa iyo, ‘di pa nga natutuloy tayo.’ Pasensiya ka na Vice na-excite lang ako for you. Hayaan mo sa susunod iyo na ‘yon, moment mo na ‘yon ibibigay ko sa iyo ‘yon.

“‘Yun lang ‘yung excitement ko na tatay kasi ako gusto ko siya maging tatay para mag-iba rin yung perspective niya in life sa tulong ng anak niya,” sey pa ng talent manager-vlogger.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending